Chapter 81

142 8 1
                                        

No Name

“Bakit wala 'yung pangalan mo?" Tanong ni Zedrick kay Donald na nakayuko.

Pinasadahan ko pa ng tingin ang listahan pero walang Donald akong nakita don. Wala akong Donald na nakita pero may No Name na nakalagay. Ang kaso lang zero din yung katumbas nun. Kaya parang wala din.

“Hindi mo ba sinulat ang pangalan mo?" Si Jacob naman ang nagtanong pero hindi pa rin sumagot si Donald. Nakayuko lang talaga sya. Pakiramdam ko nga ay wala syang balak na magsalita.

“Donald, magsalita ka na pre para malaman namin kung bakit wala sa listahan ang pangalan mo.” sabi naman ni August.

“O-oo n-nga.” si Achylis 'yan. -,-

Umiling iling lang siya, wala talagang balak sumagot. Lumapit na sa kanya sina Gray, seryoso ang mga mukha nila.

“What happened? I remember na lahat naman tayo nakaexam." wika nya.

“I don't know."

Sumagot din! Kaso napakatamlay. Halatang malungkot siya dahil sa nangyari.

“Tara nalang bumalik sa loob." Pag-aya ni Donald sa kabila ng kahinaan ng boses. Hindi siya tumitingin sa amin, nakayuko lang siya habang nagsimulang maglakad paalis.

“Donald, tell us what happened." seryosong wika ni August. Pinagkumpulan nila si Donald para hindi makaalis.

“Hayaan nyo na. Hindi na naman bago sa'kin 'to.” sagot naman ni Dond sa kanila.

Hindi na bago? So, nangyari na din 'to dati?

“Anong ibig sabihin mo na hindi na bago sa'yo? Sabihin mo na pre." pagkumbinsi ni Peter sa kanya pero umiling iling lang siya.

“Wala, tara na sa loob ng room. Nakita na naman natin 'yung rankings, ayos na 'yun." Humarap sya sa at saka ngumiti. Isang pekeng ngiti. Tumalikod na siya at handa ng umalis humugot ako ng malalim na hininga. Hindi pwedeng hanggang dito nalang 'to!

“Alright, let's go back."

Maang na napatingin ako kay Zero. Magsasalita na sana ako pero naunahan nya ako. Akala ko maayos 'yung sasabihin nya pero hindi. Bakit babalik agad sa room?

“Ay, babalik na tayo agad?"

“Sayang naman. Gusto ko pa sanang sulitin ang pagpunta dito sa Main."

Kanya-kanyang bulungan sila. Talagang sinunod nila si Zero, nagsimula na silang maglakad paalis. Hinila ako ni Timothy at Wavin palakad. “Tara na! Maiiwan ka na.”

“BILIS NA PANGET!”

Pilit nila akong hinihila paalis pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko sila magets. Ganon ganon nalang 'yun?

“George, maiiwanan na tayo." Asik ni Tim sa'kin sabay turo sa ibang Egg Warriors na nasa dulo na ng hallway. Wala akong pake kung maiwan kami. Wala akong pake.

“HOY, PANGET!”

Nakuyom ko ang kamao ko. Hindi ko tanggap.

“Bakit…" Napatitig silang dalawa sa'kin nang magsalita ako. “Bakit tayo aalis?”

Napasapo si Wavin sa noo nya. Halata pang medyo nagulat sila sa tanong ko. “Aalis tayo kasi nga hindi tayo nababagay dito. Tara na!" Wika ni Tim.

Umiling iling ako. “Hind 'yan ang tinutukoy ko.” Kunot noong tiningnan nila akong dalawa. “Diba dapat nililinaw natin yung kay Donald? Bakit tayo aalis na parang wala lang?”

Class of Morpheus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon