92

383 15 4
                                        

"HELLO?"

"Hello. This is DF Farms. How can we help you?"

Kinilala muna ni Joan ang boses ng sumagot sa kaniya sa telepono. Nang mapagtanto na malayo ito sa boses ni Ernesto ay nagdalawang-isip siya na kausapin ang nasa kabilang-linya.

"Hello," malumanay na usig ng boses mula sa kabilang-linya nang natagalan siya sa pagsagot.

Joan discreetly cleared her throat before answering carefully. She lowered her voice to make it sound different from hers. "Is this Mr. Ernesto Dela Fuente? I am interested with a consignment partnership, and I would like to extend this to the head of DF Farms. If you may please, put him on the line."

"We can't accommodate that for now," ani baritonong tinig. Sa pagkakataong ito ay nakilala niya na kay Genaro ito. "If you like, I'll set an appointment for you. Just leave me your name and position, the name of the company you represent, and your contact details. We will reach out to you once we have decided on a place and date for a meeting regarding consignment agreements."

Hindi nakaimik agad si Joan. She heard something flick, like pages from a small book being turned.

"Your details, ma'am?"

"Uhm . . ."

"Don't bother."

Kumunot ang noo niya.

"Kitang-kita rito sa screen at call history ng cordless phone ang number mo, and I took note of it in case you call again, Joan."

"Genaro, please."

"I won't let you talk to my brother. Baka kung ano na naman ang gawin niya na ikapahamak niya nang dahil sa 'yo."

'Ikapahamak?' Joan had been trying to call Ernesto for almost a month since she left Masbate. Dahil wala na siyang cell phone number nito, kinuha niya ang phone number ng DF Farms sa website na ginawa para dito at iyon ang palaging tinatawagan. At sa hindi malamang dahilan ay si Genaro o 'di kaya'y si Feliciano ang madalas niyang natitiyempuhang sumasagot sa mga tawag niya. Para bang hindi na si Ernesto ang honcho ng hacienda.

Dahil nga ba ito sa napahamak si Ernesto?

"Genaro," pilit niyang pinatatag ang boses kahit sobra-sobra na ang kaniyang pag-aalala. "Ano'ng nangyari kay Ernesto?"

"You don't have to know."

"Genaro—"

"Stop calling or I'll have no choice but to change our number."

"Hindi—"

"Bye."

Napakurap siya nang naunahan siya ng dial tone. Binabaan na siya ng binata ng telepono. Napatitig saglit si Joan sa hawak niyang puting corded telephone. A freezing feeling began to travel all over her body. She felt so cold and afraid.

When she got back to her senses, she immediately dropped the phone on the receiver. Patakbo na sana siya pabalas ng silid nang pigilan ng boses ni Olga.

"Where are you going?"

Mabilis siyang pumihit paharap sa babae. Joan almost forgot that she was standing in front of Olga's office desk. Habang abala siya sa telepono ay nakaupo sa malaking swivel chair nito ang matanda at binabasa ang laman ng isa sa mga folder na nakalapag sa desk nito.

"Sa kuwarto. Mag-iisip ako ng plano. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Ernesto. Ang sabi ni Genaro, napahamak daw siya," she rambled helplessly. She could not even stop rambling because her worry was starting to get the best of her. "Kaya siguro hindi niya nasasagot ang mga tawag ko. I think, I have to see him." Napailing siya. "But seeing him personally might put him into more danger. . . . I don't know! I need to think!"

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon