97

404 13 3
                                        

PAGDATING ng katulong ni Thea sa sala ay wala na rito si Ernesto. Thea approached the middle-aged maid and took the tall glass of orange juice from the tray. Mabilis itong ininom ng buntis dahil baka magtaka ang asawa nito kapag nadatnang may bitbit na orange juice ang katulong.

"Pakihugasan agad," ani Thea sa katulong pagkatapos at ipinatong sa tray ang ginusot na papel. "Pakitapon sa shredder ng lababo itong papel."

Tahimik na tumango ang katulong at tumalima sa iniutos ng amo nito.

Thea immediately headed to the bedroom's adjacent bathroom. Nagmumog ito at nagsepilyo uli. She only stopped when not a single orange tint could be seen on her tongue and teeth. Pagkatapos ay humiga na si Thea sa kama para matulog.

Thea lost track of the time when she dozed off. Nagising na lamang ang babae nang makarinig ng pagkalansing ng buckle ng belt. She stirred from her bed and sat up carefully. Nakita nitong naghuhubad ng damit ang asawa na si Troy.

Tinanaw ni Thea ang may ilaw na digital clock sa night table. It was already one in the morning.

"K-Kumusta ang sabong?" tanong ni Thea sa asawa.

The room was dimly lit by the yellow night light, but she saw how dark Troy's face was when he turned to face her.

"What do you think, Thea? What do you think?" nanggigigil ngunit nagpipigil nitong saad.

Napalunok si Thea. She decided to not ask further in fear that she would only trigger his anger. Thea managed to keep Troy's anger at bay for months already, and she wanted to keep it that way for the sake of her baby.

"Sinabi ko na kasi sa 'yo na sumama ka, hindi ba?" patuloy ng lalaki.

Thea lowered her head and listened. Sa oras kasi na subukan nitong takasan ang pagbubunganga ng asawa o ang magtulug-tulugan ay lalo lang kukulo ang dugo ng lalaki.

"Alam mo namang ikaw ang pampasuwerte—"

"Just because I'm pregnant?" malumanay niyang saad sa nanunumbat na tono. "Nagpapaniwala ka pa rin sa mga pamahiin na 'yan?"

Ikinaigting ng panga nito ang pagsagot ni Thea rito.

"I need to rest, Troy. For the baby's sake," she pleaded. "Nauunawaan mo naman 'yon. Sobrang ingat ko ngayon dahil pang-ilan na—"

"Rest?" he mocked. "You need to rest? Wala ka na ngang ibang ginawa sa bahay na ito, humihirit ka pa ng rest na para bang napapagod ka pa sa 'lagay na 'yan, Thea?" lapit nito sa kaniya. Napasiksik tuloy si Thea sa headboard ng kama. "Gusto mo ng rest? Permanenteng rest, gusto mo?"

Napahikbi ang babae nang hablutin ito sa buhok ni Troy.

"Milyon na ang nauubos sa pera ko, Thea! Napakagastos mo pang babae ka!" anito sabay tampal sa kaniya sa mukha.

***

THE maid's hands were shaky as she typed a text message. Nakaupo ito sa gilid ng single bed sa sarili nitong quarter. Makikitang nakalapag sa tabi nito ang nakabuklat na ginusot na papel. Nakasulat doon ang isang numero na walang pangalan kung sino ang nagmamay-ari. Pero may hinuha ang katulong na ibinigay ito ng lalaking bumisita kanina, ang mayamang haciendero na si Ernesto Dela Fuente.

To: Unknown Number

From: Me

c thea po ito. Tulong

Pagka-send nito ng text message ay pasimple itong lumabas mula sa maid's quarters. Dumaan ito sa pinto ng silid ng mag-asawang Thea at Troy Alvarez. Nakapinid ito kaya hindi na nagtangka ang babae na silipin ang nasa loob nito.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon