88

302 12 5
                                        

VIDAL ARGUELLE sat at the swivel chair in front of his desk. His rugged look did not hide the weight of the lines around his narrowed eyes and over his cheek bones. Prenteng nakasandal ito habang titig na titig sa monitor ng nakabukas nitong laptop sa ibabaw ng desk. He was watching a livestream from the derby that was happening at the Tenorio's gamehouse, located in their rooster farm at Mandaon.

Wala sa nagsasabong na mga manok ang atensiyon ng lalaki kundi sa mga tao na paminsan-minsan ay nahahagip ng camera. He searched but he could not find that familiar face. Gigil na naikuyom tuloy nito ang kamao ng isang kamay na nakapatong sa arm rest ng swivel chair.

'Ernesto should be there!' Napailing si Vidal bago dinampot ang smartphone na nakapatong sa desk, katabi ng laptop. He immediately called Ernesto's number but the line was busy. Napamura tuloy nang mahina ang lalaki bago nagpanibagong tawag.

Once again, Ernesto's line remained busy.

'Sino naman kaya ang kausap ng hayop na ito?'

Gigil na nag-send na lang ng text message si Vidal dito bago paitsa na ibinalik ang smartphone sa desk. He glanced at the laptop screen again, not expecting to find anything interesting. Isasara na nga ito ng lalaki pero natigilan ito nang makita kung kaninong manok ang sunod na ilalaban.

Nanlalaki ang mga mata na inilapit ni Vidal ang mukha sa screen para titigan nang mabuti ang nakita. He had to make sure that he was not hallucinating or just imagining it.

A few seconds later, he released a scoff. Malas dahil ang taong minamatiyagan niya ang nagmamay-ari sa manok na dehado o iyong tinatawag na 'underdog' sa laban. It means that rooster is more likely to lose, and betting on it would be risky but the pay-off is higher once it wins the fight.

Nagmamadaling tumayo si Vidal mula sa kinauupuan at isinara ang laptop. He immediately answered the smart phone when Ernesto quickly returned his call.

"Sa wakas," aburido nitong bungad dito habang naglalakad na palabas ng office room. "Bakit ba busy ang linya mo? Sino ang kababaran mo sa cell phone mo, ha?"

'Save the bullshits later. Ano ba ang kailangan mo, Vidal? Dalian mo dahil magtatanghalian pa ako.'

"You might have to postpone your lunch, Ernesto," he smirked sarcastically with dead-set eyes as he opened the door and stepped out. "Dahil kailangan mong dumeretso sa gamehouse ng mga Tenorio. Ngayon din."

'Ngayon? Sarado na ang registration para sa derby sa araw na ito. I can only manage to attend the derby for next month.'

"Hindi muna tayo sasali sa sabong, Ernesto. Manonood ka lang do'n."

'I see . . . Gusto mong pag-aralan ko ang karakas ng mga tao roon.'

"Just go there, Ernesto. Right now."

'Bawal ang walk-in doon.'

"Damn it. Just pay them with money from the budget I gave you," Vidal gritted. "Wala akong pakialam kung magkano ang suhol na kailangan ng mga bouncer. Just fucking pay them." This time he was descending the stairs, heading to the veranda. May nadaanan itong katulong kaya ibinaba saglit ang smartphone para utusan ito. "Pakidalhan ako ng lunch sa veranda. Salamat." Hindi hinintay ni Vidal ang sagot ng katulong. Dumeretso na ito sa pupuntahang parte ng villa.

"Hello?" anito kay Ernesto. "What did you say?"

'As I was saying, I can't promise anything, Vidal. Sinasabi ko sa'yo, hindi maganda ang kasaysayan ng mga Tenorio at Dela Fuente. Kahit magkano pa ang ibayad ko, pahihirapan ako makapasok ng mga hayop na Tenorio dahil isa akong Dela Fuente.'

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon