ILANG minuto pagkatapos mag-set ng mesa ay umalis si Joan sa dining room para hanapin si Ernesto. Habang hinahanap ang lalaki ay paulit-ulit niyang naririnig sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Doña Grazie.
"The life cannot be peaceful yet, so . . . are you still willing to be a part of it?"
Was she still willing to pursue a relationship with him when she already knew that it might never give her the peaceful life she wanted?
Joan loved reading books during her free time. In those books, the ending was mostly the same. That when the couple got together in the end, it also means that their life begins to be happy . . . and peaceful. She still had a rational mind. Alam niyang pantasya ang mga iyon, pagro-romanticize sa kung ano ba dapat ang isang romantikong relasyon; pero kahit papaano ay napaniwala siya ng mga kuwento na posible iyon. Na makapangyarihan masyado ang pag-ibig at kaya nitong bigyan ng payapang buhay sa huling kabanata ang dalawang tao na tunay na nagmamahalan—sa lupa man o sa langit nila malasap ang kapayapaang iyon.
Kaya naman, nagugulohan si Joan. Napakahirap sumabak sa isang relasyon na walang kasiguraduhan. It was easier to aim for a relationship to work when there's a goal. In her case, her goal was a peaceful life, because that's her criteria of a healthy and loving relationship. But what should she do when that criteria was taken out of her options to consider?
But the moment she got in front of Ernesto's bedroom door, her mind seemed to fall into a peaceful silence. Nawala ang nagkakagulo at nagbabanggaang mga ideya sa loob ng kaniyang utak.
She lifted a hand to knock on the door. And when the door opened, the only thing she managed to tell him was, "Malapit nang ihain ang hapunan."
To which he replied, "You checked?"
Joan nodded.
Ernesto cupped her right cheek and smiled at her. "Alam mo namang alas-siyete ang oras ng hapunan, bakit maaga kang nagpunta sa hapag?"
Nagkibit-balikat siya at tinitigan ang bawat sulok ng mukha ni Ernesto. It was a triangle gaze. She was trying to find the answer there for Doña Grazie's question for her—is she willing to stay?
"Jo?" usig ni Ernesto nang matagalan siya sa pagsagot.
Marahan siyang umiling kaya napabitiw si Ernesto sa kaniyang pisngi.
"Ano . . . Gutom na kasi ako. Kaya sumilip ako sa hapag."
"Natunaw agad ang mineryenda mo?" mahinang tawa ni Ernesto habang lumalabas mula sa kuwarto nito.
"Ano'ng meryenda? E, kape lang ang mineryenda natin?"
He closed his bedroom door and faced her. "E, ang sabi mo, kape lang ang gusto mo."
Napalabi siya. "I know. Hindi naman ako galit. Sinasagot ko lang ang mga sinasabi mo."
"So . . ." Pinasadahan siya saglit ni Ernesto ng tingin mula paa hanggang ulo. Then he met her eyes. "Let's go to the dining room already?"
She nodded.
"After you," Ernesto stretched out a hand, gesturing for her to go ahead.
Sila ni Ernesto ang nauna sa hapag-kainan. Tila alam na ng lalaki ang seating arrangement nila dahil ipinaghila siya nito ng upuan sa kaliwa ng kabisera at inupuan nito mismo ang upuan sa tabi niya na inilaan ni Doña Grazie para dito.
"Blue table napkins," pasada ni Ernesto ng tingin sa mesa.
Joan smiled uneasily. Wala kasi sa table arrangement ang isip niya kundi sa kabang nararamdaman niya dahil sa gagawin ni Ernesto na pagbahagi sa mga kapatid nito tungkol sa totoong mga nangyari sa pagitan nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
Ficción GeneralErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
