90

404 12 0
                                        

JULY 2010 . . .

ERNESTO did not manage to return for Joan at the resort.

Things must have gone bad when the Dela Fuente family got to their house. His mother must have said something that made things more complicated. Probably, Allyssa already heard the news about them kissing, kaya pati ang babae ay kailangang paliwanagan ni Ernesto. Joan should not assume though, but how was she supposed to know how things turned out?

The following night, she saw a sign.

A black car with gold-rimmed wheels parked far ahead, across the gates of the Arguelle villa. If it weren't for the shiny rims and the soft light from the street lamp reflecting on it, Joan might not see the car that was almost concealed by the shadows.

'Si Ernesto ba ang nasa loob ng kotse? O isa sa mga tauhan niya? Ang kanang kamay na si Dario kaya?' pagtataka ni Joan habang nakatanaw mula sa bintana ng kaniyang kuwarto. 'Bakit ba naman kasi nagpalit pa ako ng sim card at binura ko ang number niya sa cell phone ko noong nakipaghiwalay ako sa kaniya. . . .'

Joan sighed and wrapped the silk robe of her baby blue lingerie tighter around her body.

'Tutuloy kaya siya rito? Kasi si Vidal, sinermonan na ako tungkol sa pagkompronta sa kaniya ni Doña Grazie. Ayaw niya ng gulo sa pagitan niya at ng pamilyang sumusuporta sa pagtakbo ni Alkalde, kaya wala siyang balak na papasukin si Ernesto rito kung sakali. So, how can Ernesto manage this? Knowing him, hindi siya gagawa ng isang bagay na magdudulot ng malaking gulo. . . . He has always been so protective of me. . . .'

Walang-katinag-tinag ang kotse sa pinaparadahan nito kaya dumeretso na lang si Joan sa kaniyang kama para matulog na.

***

KINAUMAGAHAN, ipinagpatuloy ni Joan ang sarili niyang mga routine. She got up at six in the morning and had a warm shower. Nagsuot siya ng drawstring pajamas na pink cotton at tinernuhan niya ito ng puting spaghetti strap top. Hindi niya binasa ang kulot na buhok na hinayaan niyang nakalugay lamang. Nakapag-wash day na kasi siya isang araw bago ang victory party ni Viktor Arguelle.

Joan looked unbothered but every now and then, she would think of Ernesto. Sa tuwing nagmumuni-muni siya sa veranda ay kandong niya si Kapitan at marahang hinahagod-hagod ang balahibo nito. Wala mang maisuhestiyon na ideya si Kapitan para masolusyonan ang mga problema niya, pakiramdam naman niya ay hindi siya nag-iisa dahil sapat na ang presensiya nito para papayapain ang kaniyang kalooban . . . kahit panandalian lang.

Iniisip niya kung dapat na ba siyang kumilos pero sa huli, pinigilan niya ang sarili. Their current problem was after all between Ernesto and his mother, Ernesto and his ex-wife. She was not legally part of his life yet, so maybe she should not meddle and entrust those fights to him. Ang dapat niyang atupagin ay alamin kung ano ang motibo ni Vidal para makialam sa relasyon nilang dalawa. Joan had to solve this, or being with Ernesto won't be a harmonious life and she didn't want that—a chaotic relationship.

Habang niluluto pa ng katulong ang kaniyang almusal ay dumeretso si Joan sa veranda sa likurang bakuran ng mansiyon. Hindi niya na kailangang mag-almusal sa dining room mismo dahil wala naman siyang makakasabay—Vidal was already in the library room and he didn't want to be disturbed for some reason. Meanwhile, Mr. and Mrs. Arguelle were already at the municipal hall, attending to their responsibilities as the mayor and first lady of Mandaon, Masbate.

Joan loves having meals at the veranda. Maaliwalas dito at abot-tanaw pa ang hardin na puno ng luntiang mga puno, nalalatagan ng damo, at may mga halamang namumukadkad ang mga bulaklak. Sariwa at presko pa ang hangin. She was expecting to witness the same thing today, but no.

PinagsoltadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon