2025 . . .
NAKABIBINGI ang hiyawan sa loob ng arena kung saan ginaganap ang isang cockfight derby. Sari-saring reaksiyon ang makikita sa mukha ng bawat manonood at manlalaro na nakaupo sa bleachers na nakapaikot sa maliit na ruweda sa gitna kung saan nagliliparan ang nagsasabong na mga manok.
On either sides of the arena, there were flatscreen TVs that showed the game in real time for those who were seated on the far back of the bleachers.
Ernesto gently stroked Joan's round belly, and even leaned his face close to it. "Malapit na tayong manalo, anak!"
Natatawang pinanood naman ni Joan si Ernesto na kumakausap sa kanilang anak bago inilipat ang tingin sa ruweda. Mula sa pagkatuwa sa asawa ay humalili ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Wala sanang masamang mangyari sa pulang leghorn nilang si Jerry.
Jerry looked so majestic in his smooth, sunset like red-orange plumage and bright red comb. Matikas ang tindig nito, malapad, at medyo mataas ang lipad. Matalim ang mga kuko at mas mapanganib pa dahil sa nakakakabit na tari sa magkabilang paa nito—one o'clock setting, three inches ang haba, at gawa sa bakal. Ayaw man ni Joan na masaktan ang manok nila, naaawa rin siya sa kalaban nitong puting tandang, lalo na at ipinapaalala nito ang unang manok na ibinigay sa kaniya ni Ernesto na si Kapitan.
At masayang napatayo na nga si Ernesto nang tumalon si Jerry at sinabitan ng tari nito ang pakpak ng kalaban. Pumaypay ang puti nitong mga pakpak na habang pumupula dahil sa dugo ay humihina ang kampay. Patagilid na itong bumagsak sa maasukal na ruweda habang nagpupumilit na makabangon.
Ernesto hollered along with everyone who betted on his rooster. Then, he seated beside her and kissed her cheek before gently stroking her belly.
"The money will be yours, anak," anito bago inilipat ang tingin sa kaniya. "Katulad ng kay Ate Jernie niya, honey."
Joan smiled and nodded. "Can we go home now?"
"Of course. But, are you alright? Wala bang masakit—" Namilog ang mga mata nito at sumulyap saglit sa tiyan niya bago ibinalik sa mga mata niya. "Sumipa siya!"
Magaang tumawa si Joan. "I know, honey. Naramdaman ko, no!"
Natawa na rin ito. "I bet, our kid is happy. Mayroon na siyang Lucky Money!"
About Lucky Money, they came up with this tradition of bringing Joan once to a cockfight with him, because when they tried to check if the superstition about pregnant women bringing good luck to a cockfight was true, they won. Since then, they both agreed to do this when Joan was pregnant. Siyempre, isang beses lang sasama si Joan sa panonood ng sabong dahil bukod sa naaawa siya sa mga manok ay mas priority nilang mag-asawa ang ikabubuti ng bata sa kaniyang sinapupunan. 'Lucky Money' ang tawag nila sa napapanalunang pera sa sabong na kasama si Joan at ang bata na nasa sinapupunan niya. And this money, of course, becomes the initial savings for their child, safely kept in an envelope in their bedroom safe. Only their child, with their supervision, has access to this lucky money.
"How about my honey? Did you enjoy the game?"
"Alam mo namang hindi ko talaga kayang enjoy-in ang laro na ito. . . . Naaawa ako sa mga manok."
Mapang-unawang tumango-tango ito. "Don't worry. Huling soltada na naman natin ito para sa gabing ito. I'll just get Jerry and our money, then let's go home."
Alas-onse na ng gabi nang makauwi sila. Ang malamlam na mga wall light na lang ang sumalubong sa kanila pagkapasok sa mansiyon.
Ernesto carefully assisted her up to the stairs. Nang makarating sa kanilang kuwarto ay nadatnan nilang natutulog na sa kama ang kanilang panganay na si Jernie, suot ang pastel yellow night gown nito na hanggang tuhod ang haba. She was already four years old, with beautiful small curls like her mother and thick brows like her father. If only her eyes were open, it could be seen that they were round and brown. Her lips slightly pouted while she was still sleeping. Aside from the combination of their names, they named her 'Jernie' because it sounded like 'journey.'
BINABASA MO ANG
Pinagsoltada
General FictionErnesto always wins--his father's favor, cock derbies, and his wife's heart. But when Joan arrived, he realizes that he's less likely to win if he's fighting against a love that always hides. © anathecowgirl -------- Baluarte Dela Fuente Book 1 Feat...
