JOEY's POV
Kinabukasan, gaya ng dati heto na naman ako nagmamadali papunta sa school.
Fast forward... nandito na ko sa school. Magkasabay kami ni Best sa corridor.
"Oh, best musta na yung prob mo napag isipan mo na ba?" tanong ni best saken.
"Haha, ayoko nga maalala eh. Bakit inulit mo ulit?" pagbibiro ko sa kanya.
"Ay, nga pala may meeting mamayang hapon sa Music club. Pinaghahandaan daw kasi ung gagawin sa Math expo." sabi ni Best.
"Eh? Hapon ba? Aissshhh." sabi ko.
"Bakit?! Anong problema mo? May gagawin ka ba mamayang hapon?" takang tanong ni Best.
"Hindi ko ba nasabi sayo na mamayang hapon pupuntahan ko yung kambal, kaya nga a-absent ako sa afternoon class eh." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ha?! Hindi nga?! Pasama naman ako dyan." pagbibiro ni Best.
"ADIK!!! Hindi ka din a-attend ng meeting? Kabago bago natin di na agad tayo a-attend?!" sabi ko kay Best.
"Ay, oo nga noh, ay sya ikaw nalang pumunta, sa KAMBAL, makikita ko pa naman sila next time eh." sabi ni Best.
"Ah, ganun. Wala akong kadamay?" sabi ko sa kanya.
"Hehe, mas malaking opportunity yun sayo Best, ano ka ba?" sabi nya saken with KAYA-MO-YAN-BEST sign.
"Haha, adik ka talaga." sabi ko na lang sakanya.
"Para makalimutan mo na din si St--" magsasalita pa sana sya ng ganun, pero tinakapan ko ang bibig nya.
"Don’t say bad words!" sabi ko sakanya.
"Ah, okay sorry best nakalimutan ko." sabi nya sken.
"Apology accepted. Oh, tara na sa room at baka ma-late pa tayo." sabi ko nalang sa kanya.
Fast forward ulit.
It’s 11:30 pm at tinext ako ni kuya WHO.
FROM: KUYA WHO?
"Baby sis? Malapit na kame intayin mo nalang kami."
Reply mowd naman si ako.
"Ok."
Message Sent!
Nandito na ko sa labas ng school nag pasa na ako ng excuse slip sa paglabas ko. Mangongopya na lang ako ng notes kay best bukas.
BEEEEPPP! BEEEEEEEP!
Ayun kotse ni kuya WHO. Nasa front seat si ate. Ganda talaga ng ate ko. Mana ako dyan. Hahah lakas talaga ng topak ko.
Ako? Eto umupo ako sa backseat.
Umandar na yung sasakyan. Biglang nagsalita si kuya WHO.
"Baby sis, nalimutan ko palang sabihin na kaylangan na may tutugtugin ka mamaya." sabi ni kuya WHO.
"Hindi nyo naman sinabi saken eh, hindi ako prepared." sabi ko nalang pero prepared talaga ako, hehe niloloko ko lang si kuya.
"Hindi kasi pwede na wala kang ipapakitang talent, kasi dapat may audition pa pero sabi ko ikaw na yung gusto kong pumalit saken." pagpaliwanag ni kuya.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?