22ND UD - Dem & Joey!!!

3.9K 61 10
                                    

DEM’s POV

 

Aaah!!! Eto ako nag-iinat inat kakagising ko lang kasi. Kapagod kasi kahapon kung ano ano inutos ni manager saken. Di man lang naawa.

7 o’clock palang ng umaga. Inayos ko muna ang higaan ko. Kawawa naman kasi si manang kung sya pa yung mag-aayos di ba? Marami na nga syang ginagagawa. Naligo ako at nag-bihis.

Pag-uwi ko kagabi…

Hindi ko na nakita sila Cem at Joey, ang sabi ni manang may pinuntahan daw.

 

Hindi na ko nagtanong pa at dire-diretso na kong natulog.

Eto ako ngayon pababa ng hagdan para magpunta ng dining area. Para mag breakfast.

Pag baba ko nakita ko si manang Dolor.

Oh, hijo kain ka na. Nakahain na. –sabi ni manang Dolor habang inaayos ang plato sa lamesa.

Ah, sila Joey po ba? –tanong ko. Ako lang kasi ang nandito.

Ah, si Cem, maaga nagising kanina pang ala-sais ng umaga, magdya-jogging daw sya. Si Joey, hindi pa gumigising. –paliwang ni manang Dolor.

Ha? Himala! Nagising ang kapatid ko ng maaga. Kailangan ko ng magpa-misa. De, Joke lang. Haha.

Ah, ako na pong gigising kay Joey. Para sabay na kaming kumain. –sabi ko. Tumango naman si manang Dolor.

Pumunta ako sa kwarto ni Joey para gisingin sya. Pagdating ko himbing na himbing pa din sya matulog.

Ang cute talaga.

Umupo ako sa tabi ng kama nya.

Pwede ko naman sigurong hawakan kahit yung pisngi nya.

Malapit yung mga mukha namin. Tulog pa naman sya, hindi naman nya malalaman eh.

Palapit ng palapit yung kamay ko sa pisngi nya. Ganun din ang mukha ko sa kanya.

Ng biglang…

Ouch! –sabi ni Joey, bigla kasi syang bumangon. Hawak ang noo nya, nauntog kasi saken. Muntik na.

Muntik ng maglapit yung mga labi namin.

Ah… eh… -tumayo ako sa may tabi ng kama nya.

A-anong ginagawa mo dito? –tanong ni Joey na naka-upo sa kama nya. Habang kinukusot anh mata nya.

Ah.. eh… gigisingin sana kita para sabay na tayong kumain. –sabi ko. Nakakahiya kasing sabihin na gusto kong hawakan ang pisngi nya.

Ah… oh sige baba na ko. Mauna ka na. –sabi nya ng nakangiti. Ang cute talaga nya.

Nginitian ko na lang sya at dumiretso sa pintuan.

Wait!!! –sabi nya. Napalingon ako.

Bakit? –tanong ko. May kinuha sya sa isang plastic. Tumayo sya para lumapit saken.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon