JOEY/JEM’s POV
Nagising ako, mag mag na-9PM palang pala, sigurado akong hindi na ko makakatulog mamaya, bumaba muna ako para tingnan kung may gising pero wala akong napansin.
Haiszzzt... bakit ganun yung kinalabasan nung niluto ko? Pumunta ako sa kitchen tiningnan ko yung mga natira pa, baka pwede pang remedyohan, maalat lang naman sya eh.
Pagdating ko sa kitchen... may nakita akong note.
Sorry, hindi ko talaga alam kung paano magpatas ng mga pinggan, atsaka don’t worry bukas mauubos ko na yang niluto mo. ~>Dem<3
Tiningnan ko yung luto, may nabawas nga, pero hindi yun gaanong nabawasan pero may bawas sigurong mga isang tasa.
Binuksan ko yung kalan, hmmmh.... alam kong nagka mali lang ako kanina, kaya ko pa rin tong re medyohan.
Kinabukasan...
Nagising ako ng mga 5AM, mamaya pa kasing tanghali ang dating ni manang Dolor, kaya ako na muna ang maghahain, pero pag punta ko sa kusina nakita ko si Dem na yung nag aayos ng lamesa.
Dem? Kanina ka pa gising? -tanong ko sa kanya.
Tinikman ko yung Caldereta mo. Bakit ang sarap nun ngayon? -tanong pa nya, uupo na sana ako sa upuan pero bago yun pinaghila na nya ko.
Thank you. -sabi ko sa kanya, nginitian ko na lang sya.
Tawagan ko muna si manong, para satin na muna sumabay. -sabi pa nya, ang cute kasi nya naka suot sya ng apron na may design ng apple na may mata. Ang cute.
Maya maya, nakita ko si Cem pababa na din, para syang hindi nakatulog, ang laki kasi ng eyebags nya, ewan ko ba para kasing naiilang ako sa kanya.
Siguro dapat hindi ko na sya paka isipin kasi may girlfriend na sya, at friend ko pa... ayokong magkasira sila ng dahil saken.
Umupo na sya sa pwesto nya, nabalot ng katahimikan ang buong paligid. (_.__”) Haiszzt... ang hirap naman kasi, bakit ba kasi ganun yung nararamdaman ko sa kanya?
Tumingin sya saken, umiwas ako... ayokong tingnan sya. AYOKO!!! <(>.<)>
Ah... Jo.. -magsasalita pa lang sana si Cem, pero tumayo na ko.
Ah... may nakalimutan lang ako sa taas. -sabi ko sa kanya ng di makatingin (>.>) Akmang aalis na ko pero pinigilan nya ko... >///< hinawakan nya yung braso ko.
Tinanggal ko agad yun. Ayoko kasi nung pakiramdam... ewan ko ba parang may kuryenteng dumaloy. Ahhrrrg!! Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at nag lock muna ko.
Mamaya na lang ako lalabas. Eeeehhh!!! Nakakainis ka Cem, iniiwasan na nga kita kasi may girlfriend ka na, pero lumalapit ka pa rin?!!
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?