BEST CARLA’s POV
Dumiretso na kami sa upuan. Peron napansin kong wala sina Cem at Joey.
Asan yung dalwang yun? –tanong ko.
Sino? –narinig pala ako ni Nathan kaya sumagot sya.
Ah… sila best. –sabi ko.
Napansin ko kanina habang nasa stage tayo. Lumabas. –sabi ni Nathan.
Ah. –sabi ko na lang. Pasaan kaya sila pupunta? Nu gagawin nung dalwang yun?
Nagper-form na yung iba, may kumakanta habang sumasayaw yung iba naman parang hindi pinaghandaan ang lamya ng boses, may iba naman kulang nalang gibain ang stage sa lakas kumanta pero maganda naman ang boses masyado lang malakas.
After 30mins…
Halos lahat nakapag-perform na, mga tatlo na lang ang pairs na magpe-perform pero hindi ko parin nakikita sila Cem at Joey. Asan nayong dalwang yun?
Si Nathan naman abalang abala sa panonood sa unahan.
Maya maya may lumapit samin na member ng MC…
Napansin nyo ba sila Cem? Sila na kasi ang magpe-perform after nung 3 pairs? –sabi nung member ng MC.
Ha?... ah… eh.. Hindi pa nga namin nakikita simula pa kanina. –sabi ko.
Lumabas sila kanina. –sabi naman ni Nathan.
Naku pakisabi naman na mag-ready sila if sakaling Makita nyo. Tsk. Terror pa naman ang mga teacher na to. Ayaw nila pati ng late. –pabulong na sabi nung member ng MC.
Ah, oh sige pag nakita namin sasabihan namin agad. –sabi ko na lang at bahagyang ngumiti.
Minutes had passed.
At isa na lang ang nagpe-perform at pagkatapos nun sila Cem at Joey na.
Hala! Asan na yung dalawang yon? –sabi ko.
Bumalik ulit yung member ng MC.
Nakita nyo na ba sila Cem? Malapit ng matapos yung magpe-perform. –tanong nung member nung MC.
Hindi pa nga eh. –sabi ko naman.
Mabuti pa hanapin na lang natin sila. –suggest naman ni Nathan. Waah!!! Ang talino nya talaga. Pero serious muna asan na ba nagpunta ang mga yon.
Nag-tanan? Haha!!! Imposible naman ata yon. Eh mag kaaway yung dalwang yun. Atsaka tanghaling tapt magtatanan?!! Haha
Anyways serious muna ako.
Ok, hanapin nyo muna sila at ako na bahala magpaliwang sa mga teachers. –sabi nung member MC.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?