DEM’s POV
Kakagising ko lang at ginawa ko na ang mga dapat kong gawin pag umaga. Bumaba na ako.
Nakita ko si manang dolor na patapos na sa pag-aayos ng agahan.
Asan po sila? –tanong ko kay manang Dolor.
Ah, gising ka na pala hijo, gigisingin daw kayo ni Joey ah. –sagot naman ni manang dolor.
Ah, siguro ho nahirapan sa pag gising kay Cem, tulog mantika kasi yun. –sabi ko na lang. Umupo na ko sa pwesto ko, pero hindi pa ko nagsisimulang kumain, hihintayin ko na lang sila.
Maya-maya dumating na si Jem, parang malayo ang iniisip kasi may pabulong bulong pa.
Jem? Kain na? –sabi ko sa kanya.
Ay, MARSHMALLOWS!!! –sabi pa nya na nagulat at kulang nalang tumalon. Masyado bang nakakagulat ang pagtatanong ko? Marsmallows pa daw. Ang cute talaga nito.
Oh, sorry nagulat ba kita? –sabi ko naman sa kanya.
Ah, eh… sorry din. S-siguro napasobra lang yung kape ko kaya masyado akong magugulatin. Oo, tama nga… ganun nga. -sabi pa nya at umupo na sa pwesto nya.
Maya-maya dumating na din ang kambal ko at nakangiti pa, kakapanibago.
Umupo sya at nagdasal muna kami, madasalin kasi masyado itong si Cem. Nang matapos kaming kumain, dali daling lumabas si Cem papunta sa sasakyan.
Nagkatingininan kami ni Jem, at nag kibit ng balikat. Ang weird talaga nun ngayon? Maganda siguro ang panaginip nun? Oh, may kinalaman si Jem? Pero imposibile naman aish, napa-praning lang talaga siguro ako.
Pagdating ko sa sasakyan, si Cem nasa back seat? Kaya no choice ako at sa front seat umupo. Si Joey naman parang isod na isod dun sa dulo. Naka smirk pa yung kambal ko? May hindi ba ko alam?
Aish… hindi pwede? Pwede kayang may gusto din si Cem kay Jem? Pero ang alam ko ayaw nya kay Jem, hindi pwede sa lahat ng makakaribal ko ang kapatid ko pa, wag naman sana.
Sana mali ang hinala ko. Yun lang ang hinihiling ko, oo alam ko na ngayon.
Aminado na ako, Mahal ko na si Jem.
***End of Dem’s POV…
JOEY/JEM’s POV
Eeeeehhh…. Naman eh, bakit ba kasi dito pa umupo itong lokong to? Akala ko pa naman si Dem katabi ko, di ba sa front seat sya umuupo? Ahhhrrrg…. Kala nya.
Makalipas ang ilang minute nandito na kami sa school, dali dali akong lumabas sa sasakyan.
Nakita ko agad si best, kasama ni Nathan. Kumaway ako sa kanya, at dali daling lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?