CEM’s POV
Matapos nyang patahimikin ang mga studyante. Hinila ako ng kapatid ni ate Myrelle. Hindi ko alam kung bakit. Pinagtitinginan na nga kame.
Nakarating na kami sa isang classroom. Siguro classroom nila.
"Bhest, nu bang problema ng mga tao ngayon kung makatingin wagas?" tanong nya saken. Mukhang mali yata sya ng hinila. Nainis naman ako dun.
Nakatalikod pa rin sya pero hawak parin nya yung kamay ko.
Hindi ba to nakakaramdam na mas malaki yung kamay ko kasi nga lalake ako?
At pinisil pisil naman nya ngayon yung kamay ko.
Nakahalata na yata.
Kinusot pa nya yung mata nya. Hindi yata sya makapaniwala na ako ang kaharap nya ngayon.
At binitawan nya na yung kamay ko. Hindi ko maipagkakaila na malambot yung kamay nya.
Sa tagal ba naman kaming magka-holding hands.
"C…em, hehe. Hi? Bakit nandyan ka?" tanong nya. Palusot pa sya. -__-
Tiningnan ko sya ng masama. Pero hindi ko kinaya kaya napa-smirk na lang ako.
Yung hitsura nya kasi… Ang kyut.
Ay, hindi pala kyut. Natatawa lang ako. Basta hindi sya kyut. -___-
Riiiiiinnngggg!!!!!
Nag ring na ang bell. Umupo na sya at pumasok na ang mga studyante.
Nandito pa rin ako sa loob.
"Oh my gosh!!! Di ba sya si Cem ng QUATTRO30AM band??"
"Ay, ang gwapo nya pala talaga. Lalo na sa personal."
"Aaaaahhh!!!"
Nagtitilian na ang mga studyante aalis na ako kasi hahanapin ko pa yung room ko. Hindi ko na kasi naitanong kasi ako nitong kapatid ni ate Myrelle.
Biglang my pumasok na teacher. Hindi ako makaalis kasi pinagkukumpulan ako ng mga studyante.
Alam ko gwapo ako, pero naiinis parin ako. Ang iingay kasi nila.
Wala ng bukas kung makatili.
"Okay, class you may now take your seats." sabi nung teacher.
"Oh, class nandito na pala ang transferee natin. Mr. Morales, nasan ang kapatid mo?" tanong saken nung teacher.
Bulung bulungan na naman yung mga studyante.
Biglang bumukas yung pinto at pumasok yung kasama nung kapatid ni ate Myrelle kanina.
"Ma’am, sorry I’m late." sabi nya.
"Ok, you may now take your seat, Ms. Villanueva." sabi nung teacher.
Tumabi sya dun sa kapatid ni ate Myrelle.
"Ok, Mr. Morales…." hindi natuloy yung sasabihin nya kasi may pumasok ulit at yun ay walang iba kundi si Dem.
"Ma’am, sorry for being late. Kaylangan ko pa po kasing ipasa itong requirements namin sa office." sabi ni Dem.
"Ok, Mr. Morales(tumingin kay Dem) and Mr. Morales(tumingin saken) umupo na kayo sa tabi ni Ms. Morales(tumuro sya sa kapatid ni ate myrelle)." sabi nung teacher.
At Morales din pala ang apelyido nya. Malay ko bang Morales din pala si Ate Myrelle sa tagal na naming magkakilala hindi ko yun alam, kasi hindi ko naman itinatanong.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Novela JuvenilWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?