8 years later...
Walong taon na rin ng mamatay si Joey, maraming nagbago. Gaya ng pangako ko sa kanya, matatapos ko na ang kurso kong doctor. Nagte-training ako ngayon sa UST hospital.
Doc. Yung patient po sa room 143 iniintay na po kayo. -paalala nung isang nurse.
Salamat. -sabi ko at papunta na ako, pero bago ako pumunta doon, dumaan muna ako sa room ni Angela, kakauwi lang nya 2 months ago, kabuwanan na kasi nya ngayon sa panganganak. Gusto nya kasi na dito na manganak sa Pilipinas.
Tok! Tok! Tok! Kumatok muna ako.
Bukas. -sabi ni Angela, pumasok ako sa silid.
Kanina pa kita hinihintay. -sabi ni Angela pagpasok ko sa silid.
Kumusta na ang pakiramdam mo? -tanong ko sa kanya, hinawakan nya ang tyan nya pagkatapos tumingin saken.
Ayos naman, medyo kinakabahan lang para mamaya. -sabi nya, makikita mong worried talaga yung mukha nya.
Nasaan nga pala ang asawa mo? -tanong ko sa kanya, and speaking of his husband...
Angelica, ito na yung Indian mango na may dalawang dahon. -sabi ni Steve at biglang pasok sa silid.
Hindi pa rin ba tapos maglihi si Angela? -natanong ko na lang.
Haha, ewan ko ba dyan, kung ano ano na lang pinakukuha saken. -pagrereklamo ni Steve.
Ah, maiwan ko na muna kayo, may pasyente pa kasi akong dapat puntahan. -sabi ko sa kanila.
Wow, doctor na doctor ka na ah, Cem? -sabi pa ni Angela.
Oo na, wag mo na kong asarin. -sabi ko kay Angela.
Nakakainis nga, ikaw pa yata ang pinaglilihian ni Angelica. -sabi pa ni Steve napatawa naman ako.
Ah sus, you’re jealous again. -sabi pa ni Angela. Iniwan ko na sila sa silid at pumunta sa room 143. Nagbalik na sya sa dating sya.
Nagkaayos na rin pala sila ni Carla, 1 month ago…
Tok! Tok! Tok! Kumatok muna ako bago pumasok, si Mrs. Ortega ang pasyente ko ngayon, matanda na sya, nasa 70’s na.
Good morning doc. -bati ni Mrs. Ortega saken, mag-iisang linggo na akong nagte-training dito at si Mrs. Ortega ang una kong pasyente.
Good morning din po. -sabi ko, kinuha ko ang stethoscope kong nakasabit sa may leeg ko at tiningnan ko kung ayos ang pulso nya.
Doc, bibisita ang anak ko mamaya... naku tiyak akong bagay na bagay kayo. -sabi pa ni Mrs. Ortega saken.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?