ATE MYRELLE’s POV
Nandito kami sa restaurant, pinatawag kasi kami ng papa ni William, medyo kinakabahan ako, kasi ngayon ko pa lang sya makikita, nasabi kasi saken ni sweetheart na hindi daw sila magkasundo ng ama nila.
Simula ng umalis silang magkakapatid sa States, para maging musician dito sa Pilipinas, yung malayo sa kanilang ama. Kaya nung pumunta sila dito sa Pilipinas ni katiting hindi sila sinustentuhan ng ama nila.
Sariling sikap kung bakit naabot nila ang katayuan nila ngayon, gusto kasi ng ama nila na sila ang mamahala ng business nila sa States, at iba pang branches dito sa Pilipinas. Their father is ¼ Spanish, ¼ American, and half Filipino, while their mother was a pure Filipina.
Sweetheart... ayos ka lang ba? –tanong ni sweetheart saken, hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti saken.
Ayos lang ako. –ngumiti ako sa kanya, hindi pa rin kasi dumadating yung papa nila, pero parating na raw. Kasama din namin sila ate, Cem at Dem.
Si Cem, parang inip na inip na... nalaman ko kasing sa kanilang magkakapatid si Cem ang may pinaka malayo ang loob sa kanilang ama.
Maya maya dumating nang ang isang lalakeng nasa 50’s kung titingnan, mababakas sa mukha nya na stress sya dahil kunot na ang noo nya, tinutubuan na din sya ng puting buhok, pero makikita parin ang kakisigan nito.
How are my sons? And my lovely daughter? –sya na siguro ang papa nila, hindi man lang tumayo si Cem at Dem para sumalubong.
Hi, pa. –sabi ni ate na hindi man lang din lumapit sa papa nila, ganun din si sweetheart, hindi talaga sila magka-kasundo.
Lumapit na ako para sumalubong, pero parang iniwasan lang nya ako.
Sya ba ang mapapangasawa mo William? –tanong naman nya kay sweetheart, para tuloy gusto kong maiyak, sa hindi nya pagtanggap saken. Tumango si sweetheart, at tumingin saken.
Umupo na sa upuan ang kanilang ama, pero walang mababakas na ngiti sa mukha nito, para tuloy naiilang ako sa presence nya, at ganun din sya saken.
Um-order na kami ng pagkain, pagkatapos ng ilang minute nakahain na ang aming kakainin, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na kasabay namin ang ama nila William.
Kriiinnngggg!!! Nag ring ang cellphone ko, magsisimula palang kasi kaming kumain, napatingin sila saken, mas lalo na ang tingin ng ama nila saken.
Sorry po. –sabi ko at kaagad kong pinatay ang cellphone ko.
Nasa harap tayo ng pagkain. –sabi ng papa nila saken. Napayuko na lang ako at si sweetheart ay hinawakan ang kamay ko para i-comfort ako. Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya.
Nagsimula na kaming kumain, humiwa ako ng stakes at mahinhin kong isinubo iyon, feeling ko kasi napaka perfectionists na ama nila, na konting mali lang parang ang baba na ng tingin nya sa taong yun.
Maya maya...
William, hindi sya ang babaeng gusto kong makatuluyan mo. –sabi ng kanilang ama, na agad namang parang may dumagan sa puso ko, masakit para saken na hindi ako gusto ng ama ng lalakeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?