JOEY/JEM’s POV
Ilang araw na rin ang nakalipas at Saturday na ngayon, kalalabas ko lang ng ospital kahapon. Nagpaalam si ate na magbabakasyon daw muna sya sa Batangas, dun sa bahay namin dun.
Ang pinagtataka ko lang hindi sila magkasama ni kuya WHO, sabi ni ate wag ko na lang daw ipagsabi na nasa Batangas sya.
Haissszzt... ang boring sa bahay,sa Monday pala simula na ng paggawa namin nung canvas, di pa ko nakakabili ng paint.
Pero sabi ni best, bigyan ko na lang daw sya ng pambili sya na yung bibili. Si Dem naman todo alalay saken pagtatayo ako, daig ko pa yung nalumpo.
Si Cem, hindi nya ko sinundo kahapon nakapagtataka nga eh, lage syang may pinupuntahan. Tapos lage syang nakangiti pag uuwi sa bahay pag nakikita nya ko, umiiwas sya ng tingin.
Haisszzt... ayoko ng ganun, parang ang bigat sa pakiramdam. Nandito ako sa kusina ngayon, nilalantakan ko yung apple, katabi ko na rin yung salt, pero parang nawalan ako ng gana.
Jem? Bakit panay ang buntong hininga mo dyan? -tanong ni Dem, napatingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.
Ah, wala... hehe... may iniisip lang. -sabi ko sa kanya, at itinuon ko na yung pansin ko kay Mr. Apple.
Ah, nga pala pinapatanong ni kuya WHO kung alam mo daw kung nasan si Ate Myrelle. -napatingin naman ako sa kanya at umiling na lang.
Ah, punta muna akong kwarto, magpapahinga. -sabi ko sa kanya, aalalayan nya pa sana ako pero sinabi ko wag na, at kaya ko na naman.
Pagkadating ko sa kwarto nahiga ako at napatingin na naman sa kisame, naiisip ko si ate... alam ko may problema yun. Si Cem?... ayos lang saken na sungit sungitan ako nun, pero yung pag iwas at lageng wala sa bahay... bakit ba nami-miss ko yun?
Galit ba sya saken? Di ba dapat ako yung magalit kasi... lagi syang nagnanakaw ng halik? Mag one month palang ako dito... or lampas na ba? Ewan ko natural na lang na makita ko silang dalawa.
Pag wala sila, parang.... MAY KULANG? Parang di buo yung araw ko? Ah... Alam ko na... Bumangon ako sa kama, pagdating ko sa baba, nandun si JV at Dem.
Pumunta ako sa kanila, magpapasama sana ako para mamalengke. Magluluto ako. Pumayag naman sila, nag paalam na muna kami kay manang Dolor.
May pera naman ako, nag suot muna ako ng disguise ganun din sila, ayoko kasi sa Mall ng ingredients na gagamitin ko, mas fresh kasi minsan sa palengke.
Si JV yung nagda-drive, buti pa sya pinapayagan ng mag drive si Cem hindi, tago pa man din yung Lamborghini nya, gusto ko sanang makasakay dun ulit.
Nang nandito na kami sa palengke... pinagtitinginan kami ng mga tao... para silang naka kita ng bampira... paano ba naman balot na balot kami, dinaig pa namin ang bampira.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?