59TH UD - LASING??! \(>_<)/

2.8K 41 4
                                    

CEM’s POV

 

Hindi ako sumabay ngayon kila Joey, nakakainis!!! Bakit ba feeling ko iniiwasan nya ko? May nagawa ba kong kasalanan sa kanya???

Pero natuwa talaga ako ng malaman kong sya yung babaeng nagbigay saken ng panyo, na sya yung isa sa naging dahilan para bumangon ako ulit.

Pero nasasaktan ako pag may ibang umaaligid sa kanya, naiinis ako... nagagalit. Nagseselos? Mas mahal ko ba sya kaysa kay Angela?

Mali ba talaga ang desisyon ko makipagbalikan ako kay Angela? 7PM palang ngayon ng gabi... nandito ako sa bar, buti na lang pinapasok ako.

Hindi naman kasi halatang estudyante ako, kasi nagpalit ako ng damit kanina, na laging nakalagay sa locker ko, plus naka-cap pa ako.

Now, I’m drinking “Green Fairy” it contains 60%-70% Alcohol, nyemas na yan oh... ganun ba ko ka-problemado. Aissh.

Isa pa ngang “Green Fairy”. -sabi ko dun sa bartender, binigay nya naman agad saken. Nakakalimang shots palang ako para nang umiikot ang paligid ko.

Mga ilang oras pa ang inilagi ko sa lugar na to, at hindi ko namalayan, quarter to 10 na pala, umiikot talaga ang paningin ko.

Ilan bang shots ang nainom ko? Dahil na naman sa babae kaya ako naging ganito? Inalalayan ako nung isang staff papunta sa may intayan ng taxi, wala kasi akong dalang sasakyan.

Nakasakay na ko, at sinabi ko na yung address ko. Mga ilang minute pa nandun na ko sa tapat ng bahay namin.

Nag doorbell ako. Limang beses ko yatang pinindot nang paulit ulit. At sa wakas may nag bukas din.

C..Cem? -narinig kong sabi nya, Dug. Tug. Dug. Tug. Lalakad na ko papunta sa loob ng para kong matutumba, nang bigla nya kong inalalayan.

Cem? Bakit ka ba naglasing ha? -tanong nya saken... amoy na amoy ko yung apple scent nya. Kahit siguro ganito na lang kami habang buhay. Pwede na saken.

 

Black out.

 

***End of Cem’s POV...

 

 

JOEY/JEM’s POV

 

Nandito ako sa kwarto nag gi-gitara, mga 10:15PM na, tulog na si Dem, si Cem... hindi ko pa nakita. Di kasi ako makatulog kaya nag gitara muna ako.

May narinig akong nag doorbell, tss. Adik yata yung nagdo-doorbell eh... akalain mong naka limang pindot.

Bumaba na ko, at dali daling pumunta sa may gate, halos madapa na nga ko eh. Binuksan ko yung gate at bumungad saken si Cem.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon