JOEY’s POV
Niyaya ko si Cem kumain kasi nagugutom na ako. Pumunta na kami sa favorite kong kainan dito sa Batangas.
Hindi naman sya restaurant actually carinderia lang sya.
Pero malinis ang lugar. Dito kami madalas kumakain dati nung buhay sila mommy at daddy pag bumibisita sila dito.
Matagal tagal na rin akong di nakakabisita dito.
Dito tayo kakain? –sabi ni Cem na lilinga linga sa paligid.
Oo, atsaka masarap pagkain nila dito. Tara na upo na tayo dun. –yaya ko sa kanya.
Oh? Ikaw ba yan Joey hija? –si nanay Auring pala sya yung may-ari ng carinderia.
Nanay Auring? Opo ako po to. –sabay yakap ko sa kanya.
Ang laki na ng pinagbago mo hija. Dalagang dalaga ka na. ang ganda ganda mo pa. –sabi ni nanay Auring na tina-tap pa yung balikat ko.
Naku naman si Nanay talaga palabiro. Ah nga pala po, si Cem. –sabi ko.
Ah… Boyfriend mo hija? Ay naku naman. Bagay kayo. Hmmh, Anong order nyo? Bibigyan ko kayo ng 50% discount. –sabi ni nanay Auring.
Ah, hindi po ko po sya boyfriend, kaibigan ko lang po sya. –iling ko naman.
Naku ang mga kabataan talaga ngayon todo deny pa. Oh, sya anong order nyo? –sabi nalang ni nanay Auring.
Ah… hehe… hindi naman po talaga. Ah, bale po hmmh… 4 rice… 2 afritada hmmm… 2 dinuguan… atsaka hmmmh… 8 po na isaw. –sabi ko at umupo nako.
Anong inumin nyo hija? –tanong ni nanay Auring.
Hmmh? Lipton Ice tea po… eh sayo Cem? –tanong ko at biglang tingin kay Cem.
Ha? Ah… eh… Ganun na din. –sabi nya na parang napipi na naman.
Umalis na si nanay Auring…
Oy? Cem? Napipi ka na naman… haha. –pang-aasar ko kay Cem.
Tsk. Ang takaw mo naman. Kakainin mo lahat yun? –tanong nya.
Haha… hati tayo dun. Nu ka ba?!! –sabi ko pa.
Ha? Atsaka ano ba yung in-order mo? Afritada lang at iced tea yung naintindihan ko dun. Tsk… dinuguan?!!! Vampira ka ba? Oh.. i..i..isaw ano yun? –sabi nya pa. So yun pala ang tinatahimik nya.
Kasi hindi ko man lang sya tinanong ng gusto nyang kainin.
Ah… don’t worry masarap yun. –sabi ko na lang.
Tss. –yun na lang nasagot nya. Bakit ang sungit na nito ngayon?
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?