JOEY/JEM’s POV
Lumipas ang mga araw at bukas na ang flight namin papuntang France, natapos ang mga linggo ko na practice, school lang ang ginagawa namin.
Hindi na rin kami masyadong nagpapansinan ni Cem, sa school mas madalas kong kasama sila Best at Dem sa lunch.
Minsan naman dinadalaw ako ni Caryll sa school para mag merienda kami, at minsan kasama din namin si Best doon sa Café na kinainan namin nung una.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi pumupunta sa bahay si Caryll, lagi na lang syang may excuse pag pinapapasok ko sya sa bahay namin.
Every Saturday naman pinupuntahan ni Dem si Caryll sa bahay nila, at tuwing dumadating si Dem ay may mga ngiti sa mga labi nya.
As for now naman daw ay mas lalong nagiging mabuti ang kalagayan ni Caryll, nakakatulong daw ang mga kaibigan nya sa kanya kaya nagiging mas madali ang ang pag recover nya.
Nandito kami ngayon sa bahay, hindi kami pumasok sa school this afternoon para sa overall practice namin para bukas.
Pagdating kasi namin bukas sa France after daw noon ay magpapahinga muna daw ng 6 hours at pagkatapos simula na yung Concert tour namin.
May mga special guest din kami, mula sa kasama naming network, ilan sa mga batikang musikista at makakasama rin namin.
Ok, ready na kayo for your last song! -sabi ni Manager samen kasama si kuya Francis. Nagsimula na kaming tumugtog at kumanta na si Cem.
.♪Always said I would know where to find love
Always thought I'd be ready and strong enough
But sometimes I just felt, I could give up.♪~
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na namin ang kanta, nagpalakpakan naman si Manager at kuya Francis.
Good, you’re ready for your concert. -complement ni Manager, ngumiti naman ako.
Good luck guys. Sayang nga lang at hindi ako makakasama sa France for tomorrow may taping kasi ako, ayaw akong payagan ng manager ko. -sabi naman ni kuya Francis.
Hehe, dapat si manager na lang ginawa mong manager, kuya Francis. -sabi ko ng pabiro kay kuya Francis.
Good idea Jem, sige. -sabi naman ni kuya Francis nang tuwang tuwa.
Haha... didn’t you know the difference of Jokes between Truth? -sabi ni Manager ng seryoso kay kuya Francis.
Hanggang ngayon ba naman Alyssa? Sige ka, pag ako hinabol ng mga babae dyan baka kunin nila ako sayo. -sabi pa ni kuya Francis.
I don’t care. -sabi pa ni Manager na parang walang pakialam.
I don’t care ka dyan, eh parang kanina lang nung may nagpa-autograph na babae, galit na galit ka. Aminin mo na kasi, mahal mo rin ako. -sabi pa ni kuya Francis natatawa na lang kami.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?