JOEY’s POV
Inaya ko si Cem na sumabay samin ni best. Sumunod naman sya siguro gutom na din. Napansin ko kasi na hindi sya nag-recess kanina.
Habang naglalakad kami nagtitilian ang mga babae. Ang saket sa tenga.
Aaaaaah!!!! Ang gwapo gwapo talaga ni Cem.
Akin lang sya no. Aaahhh ang gwapo gwapo talaga nya.
Basta ako ako, si Dem gusto ko.
Ang landi lang ha. Tapos di pa sila nakuntento, lumapit pa sila kay Cem. Dahil nga sobrang dami ng estudyante na lumalapit sa kanya napahiwalay kami ni best sa kanya.
Aish… ang sikip. –reklamo ni best.
Tara na. Mukhang hindi na sasabay satin si Cem. –sabi ko na pilit umaalis sa malaking kumpol ng estudyante.
After 10 minutes…
Wew,*punas noo* hay salamat nakaalis din. –sabi ko.
Hirap pala maging sikat no? –si best.
Oo nga, halika ka na bili na tayo ng makakain, gutom na ko. –sabi ko kay best at hila hila ko sa counter para um-order.
WAIT!!! –rinig kong sabi ng nasa likod namin.
Paglingon namin ni best… Si Cem pala.
Nakahawak sa tuhod habang nakayuko. At hingal na hingal.
Ba’t ba kayo nang-iiwan? –sabi nya habang hingal na hingal.
Dinumog ka na kaya ng mga estudyante, anong gusto mong gawin namin? –sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Atsaka gutom na din kami no, di ba best? –pahabol ko pa sabay tingin kay best.
Oo nga, oh Cem sasabay ka ba samin? –si best ang nagtanong.
Ah, oo. –sagot naman ni Cem.
Nagpunta na kami sa counter pero mahaba pa ang pila. Eish… gutom na ko.
Nang Makita ng mga nakapila si Cem nagsi unahan sila sa pag-aalok kay Cem na mauna. Aba’t ang loko ngumingiti pa dun sa mga malalanding estudyante.
Aish.. nauna na tuloy sya. Huhu gutom na ko. T.T
Tapos yung mga mata ng estudyante nagiging ganito -------------> ღ_ღ
And… Drooling. Pero joke lang yun. Haha. Epekto to ng pagkagutom.
Oi, Joey atsaka yung kasama mo… punta kayo dito. –pag-aaya ni Cem.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?