CEM’s POV
BLAAAAGGGGGGSSSS!!!!!
Ah….!! –napasigaw ako, at nalaglag sa kama. F*ck! Sino ba ang istorbong yun? Lagot talaga saken yun. Ang sarap ng tulog ko, mambubulabog lang. Aisssh…
Tumingin ako sa buong kwarto at nakita ko si…
HAHAHA!!!! –si Joey, tawa ng tawa. Nakaupo sa may couch, at nagpupunas pa ng luha. Nagbago na pala ang isip ko. Bakit ganun ang cute nyang tumawa.
Aish… ano ba tong iniisip ko. Pang-bakla lang. Tiningnan ko sya ng masama pero kunwari lang naman. Mukhang may iniisip sya, nakita ko syang tumingin sa pinto.
May balak sigurong tumakas. Pwes, di ko sya papayagan. Tumakbo sya sa may pinto at hinabol ko, at naabutan ko sya.
Na-corner ko sya sa may pinto, at naging dahilan ng pagsarado nito. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa. Bigla syang pumikit.
Sh*t! May gusto ba syang mangyari? Lalake ako! At gaya nga ng sinabi ko natutukso din.
Ang ganda nang ilong nya, yung mga mata nya ang pupungay, at… yung… *gulp* labi nya… *gulp* bakit parang ang sarap ulit halikan?
Naka hawak ang kamay ko sa dalawang kamay nya, at naka-block yung binti ko sa mga hita nya. Sobrang awkward ng posisyon namin.
Sh*t! Bakit ba hinahanap ng labi ko ang labi mo? Palapit ng palapit yung mukha ko sa mukha nya.
Hindi ako makapag pigil. Bakit parang naadik na ko sa labi mo kahit isang beses lang naman nangyare yun?
Napansin kong mas pumikit pa sya lalo. Gusto ko syang halikan, pero buti na lang nakapag pigil ako.
Sa halip, idinampi ko ang kamay ko sa mata nya.
Hahaha!!! May muta ka pa kasi? Naligo ka ba talaga?!!! yuck! –sabi ko sa kanya, para mawala ang awkwardness namin sa isa’t isa. Kunwari kong ipinahid sa damit nya yung kamay ko.
Eisssh!!! Kala mo?!!! –sabi pa nya saken at dali daling lumabas ng kwarto ko.
Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko. Ang bango nga nya. Amoy na amoy ko ang apple flavor na shampoo nya.
At ganun din ang liquid soap na gamit nya, na apple flavor din. Dali-dali akong nag-ayos nang sarili ko at bumaba na, ng nakangiti.
Naalala ko na naman kasi yung samin ni Joey kanina sa kwarto. Mukha namang nagtataka yung kambal ko kung bakit ako nakangiti.
Umupo na ko sa pwesto ko at nagdasal na kami. Habang kumakain kami, hindi man lang ako pinapansin ni Joey. Tsk. Naiinis parin ba sya?
Pagkatapos naming kumain, dali dali akong pumunta sa sasakyan. Umupo agad ako sa backseat, para katabi ko si Joey.
Isod na isod naman sya sa dulo ng upuan. Mayron ba kong sakit? At ganun sya makaiwas?
Nakarating na kami sa school, at dali dali syang lumabas.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?