Kinabukasan…
CEM’s POV
Pagkagising ko nadatnan ko ang lahat na nasa may dining table, nakita ko sila kuya WHO.
Anong meron? Nasan si Joey? -tanong ko pero ni isa sa kanila ay walang sumagot. Biglang natuon ang aking pansin sa sulat na nasa ibabaw nang lamesa.
A…ano yan? -naitanong ko na lang, sana ay mali lang ang nasa isip ko.
A letter from Joey. -sabi ni kuya WHO, dali dali kong kinuha ang sulat at binasa…
Dear…
Kung nababasa nyo ito marahil ay wala na ako dyan, nais ko lang muna sanang mapag isa ngayon. Pero don’t worry I’ll be back when I find myself na.
Manager? Ahm, I need at least 1 week to discover myself, pasensya na kung hindi dahil saken hindi masasangkot ang band sa ganito. I’m sorry po. Sana ay mapatawad nyo po ako.
Kuya WHO? Ate Myrelle? Sana maintindihan nyo po, sorry po at hindi ko nagawa ng maayos ang ini-expect nyo saken, I’m sorry that I love someone who’s impossible to be mine.
Dem, thanks for the good times, I wish you all the best, same with Caryll. Best? Carla… thanks for being a very supportive best friend of mine, you’re always in my heart.
Sana sa pag alis kong to, wala kayong sisihin na kahit na sino, don’t blame Angela for what she did, she has a point. Kasalanan ko naman talaga, alam kong sila na ni Cem pero nakisingit pa ko. Sorry.
And to Cem, I know you’re blaming yourself… please don’t. Hindi mo kasalanan, ako ang may kasalanan, patawarin mo sana rin ako kasi minahal kita. Thanks for the good times and bad times that we’ve shared.
Nung nasa Batangas tayo, isa yun sa pinaka masayang memories na meron ako, the first time you ate isaw, dinuguan etc… tandang tanda ko pa nung sumakay tayo sa ferris wheel, ayaw mo pa nun kasi ewan ko ba, pero I think you’re afraid of heights or something.
Pero di ba nga sabi ko sayo “Wag mong sayangin ang pagkakataon na Makita ang dapat mong Makita.” Naalala ko pa nun yung sa panyo? Hindi ko rin akalain na ikaw pala yun. Remember about the story of sariwang dahon at tuyot na dahon?
Nakakatuwang isipin na naikuwento ko sayo yun, na wag masyadong problemahin ang mga problema natin, pero yun ngang saken hindi ko masulusyunan. Haha.
Di ba nga may kasabihan… “Lahat ng problema may solusyon, pag walang solusyon wag mong problemahin.” Di ba nga I’m a positive person, nalagpasan ko na yung ibang mga problema pero ewan ko ba, binuksan ko ang internet ko this night… at nakita ko ang iba’t ibang tawag nila saken.
Masakit? Oo, yun bang tawagin kang B*tch, Ahas, kabit, malandi. Ang sakit sakit pala, tapos yung mga tao ang dumi ng tingin sa pagkatao ko.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?