JOEY/JEM’s POV
Pumunta kami ni best dun sa nagda-dance battle, ang tapang kasi masyado ni best eh.
Best? Ano ka ba? Tara na. –sabi ko kay best at hinihila ko sya pabalik.
Best? Hindi mo ba nakita? Tinakid nya yung lalake kaya nagkamali ng moves yung isang lalake. –sabi pa ni best, haiszzt... bakit ba ang lakas ng loob ni best.
Naku best, gusto ko pang mabuhay ng matagal. Nandito kami sa likod nung lalake, naka-crossed arms pa si best ako naman hinihila sya paalis pero hindi eh... tinatabig lang nya ko.
Hoy? Kayo... –napalingon naman ang mga lalake na pinipilit kuhanin yung cellphone nung isang lalake, sayang ang cute pa naman.
At bakit? –tanong naman ng lalake, may hitsura din sya kaso masama ang ugali, tsk.
Nakita ko! Tinakid nyo sya para manalo kayo. Eh hindi naman tama yun!!! –sabi ni best, feel ko tumaas yung kilay nyan.
Di ba nga naka-shades kami. Lumapit kay best yung lalake at tiningnan si best mula ulo hanggang paa, buti na lang may suot kaming damit... manyak siguro to. Eeeh... sayang ang gwapo pa naman.
Lance? Hayaan mo na yan. –sabi nung kasamahan nya, so? Lance pala pangalan nya, eh di sya na maganda ang pangalan... kabaligtaran naman nya.
Hindi ako pumapatol sa babae. –sabi naman nung Lance daw, akmang aalis na sya dala yung cellphone nung cute guy, kawawa naman.
Hoy?!!! –sigaw ni best, huhuh TT__TT Bakit ba ang warfreak mo best? Lumingon naman yung lalake, at ngumiti pa.
Best? Ano ka ba naman? Tara na nga, umalis na eh... –bulong ko sa kanya, oo ako ng duwag, eh... duwag bang matatawag ang umiwas sa gulo paminsan minsan? Lalake kaya yun... heller?
Tumahimik ka dyan, best! –sabi ni best... huhuh TT___TT Di na ko love ni best.
At bakit na naman? Oh? Alam ko na... type mo ko no? Sorry, I’m taken. Pero kung gusto mo you can have my number. ^_~ -sabi nung Lance at nag wink pa kay best, for sure inis na inis na si best.
At, sino namang may sabi sayo. F-Y-I?!!! Mas gwapo ang boyfriend ko sayo!!! –sabi ni best, oh sigaw ba ang tawag dun. Feel ko tumaas na yung AGRY-O-METER ni best. Hehe.
What do you want? –pa husky na voice pa nung Lance daw, at lumapit pa ng konti kay best.
Lalaban kami ng dance battle at pag nanalo kami, ibabalik nyo yung iPhone 4S nung cute na guy. –sabi ni best, talagang cute na guy pa ha. \(^O^)/
Nagpapatawa ka ba? Majority wins ang labanan dito. –sabi nung Lance at nag-smirk pa, ang yabang talaga. Pero kaya yun ni best.
I’m not a clown... bakit ako magpapatawa. Kami ang lalaban. –sabi ni best... sabay... *gulp* turo saken. Waaah!!!! How could you best... pag may nakakilala saken huhu... buti na lang ang lake ng shades kong mukhang tutubi.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?