CEM’s POV
Pinalabas kami ng teacher kasi nahuli kami ni Joey na natutulog sa klase nya.
Nauna namang tumayo si Joey at sumunod na din ako sa kanya. Maya-maya lumingon sya saken.
"Bakit ka ba sumusunod?" tanong nya.
"Natural, hindi ko kabisado ang school na to. Baka maligaw pa ko." sagot ko naman. Totoo naman na wala pa kong alam sa school na to, bago palang ako.
"Halika, may alam ako kung saan. Maganda dun. Masarap matulog." sabi nya. Tutal naman inaantok pa rin ako tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami….
Nakasalubong namin yung kasama nyang lalake kahapon, na sapagkakaalam ko… yung partner nya sa Music club.
"Ah… Joey…" sabi nung lalake.
"S..stefen." sagot naman ni Joey na nakayuko. So? Stefen pala yung name nun.
"Yung kahapon?" sabi ulit nung Stefen.
"Ah, yun ba? Forget it." sabi naman ni Joey. Ano yung tungkol kahapon na sinasabi nila? Aish.
Bigla namang napatingin yung Stefen saken. Ang sama ng tingin. Syempre tiningnan ko din ng masama. Para fair.
"Ah, Joey, may kasama ka pala." sabi nung Stefen. Habang nakatingin saken. Aba’t anong tingin nya saken? Poste?
Tapos tumingin sya ulit kay Joey na nakayuko pa din.
"Joey, pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya kay Joey.
Tsk. Nag-uusap na sila diba? Anong tawag nya don. Tapos tumingin ulit yung stefen saken.
"Pre, pwede bang umalis ka muna? Mag-uusap kami ni Joey." sabi nung Stefen. Napupuno na ko dito. Ano bang pag-uusapan nila at kaylangang umalis pa ko. Aish.
(A/N: Cem?!! Syempre privacy!) Privacy ka dyan author? Wag ka ngang makisingit POV ko to. Tsk. (A/N: Tsk, sungit!)
"Hindi na kailangan aalis na din kame ni Cem." sabi naman ni Joey.
"Oh, ano ka ngayong Stefen ka. Haha buti nga sayo." syempre sabi ko lang sa isipan ko yun. Ayoko ng gulo. Ahaha
"Tara na Cem." sabi ni joey.
Maglalakad na sana kami pero biglang hinawakan nung Stefen ang braso ni Joey.
"Joey, yung kahapon? Sana pag-isipan mo." pagkasabi nun, tinanggal na ni Joey yung pagkakahawak ng kamay nung Stefen sa braso nya at naglakad na si Joey syempre sumunod na ako.
Ewan ko ba, pero feeling ko masaya ako ngayon.
Habang naglalakad kami napansin kong parang nagpipigil ng luha si Joey.
Hanggang sa makarating kami sa isang room. Malinis naman ang lugar. Kaya lang mukhang inabandona na kasi yung mga gamit nakataklob ng puting tela.
"Anong room to?" tanong ko kay Joey.
Dating music room to. Kaya lang masyadong maliit kaya di na nagagamit atsaka yung musical instruments mga luma na din. –paliwang naman nya.
Umupo sya dun sa my piano. Luma man ang mga instruments dito, pero gumagana naman lahat. –sabi pa nya.
Wala bang pumupunta dito? –tanong ko.
Wala, bihira lang tao ang pumupunta minsan yung taga linis lang talaga. –sabi pa nya.
Narinig ko syang suminghot. Nakatalikod kasi sya saken tapos ako nandun sa lapag at nakasandal sa may pader.
Iiyak mo na yan. Masama daw pigilan ang luha. Baka sumabog ka? –sabi ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay na nakikita ko syang umiyak nasanay kasi ako na palasigaw sya at hyper.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?