JOEY’s POV
Sinabi naman ni manong dryber kung magkano. Kahit medyo mabigat sa bulsa binayaran ko na din.
Bumaba ako at pumasok sa gate. Pagkapasok ko nakita ko si Cem na nakabantay sa may pintuan ng bahay.
"Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kanina pa kami nag-hihintay sayo?" si Cem na nakasimangot.
Katakot si Cem, pero ang gwapo tingnan ng porma nya nakapamulsa. Kung di ka nga lang nakasimangot mas lalong gwapo.
"Ah… eh, nagpracti.."hindi pa ko nakakatapos ng sasabihin ko nagsalita na naman sya.
"Nag-PRACTICE??!!!" hala, mukhang galit na sya.
"Atsaka nagpaalam naman ako kay manang Dolor na may practice ako eh…" ako, katakot naman tong handsome monster na to.
"NAG PAALAM??!!! ANONG ORAS??!!! 4PM ANO SA TINGIN MO ANG ORAS NA???!!! HA??!! 8PM NA! TINATAWAGAN KITA… I mean namin, PERO NI ISA DI MO SINAGOT?!" sabi nya, I mean sermon nya pala.
"Ah, sorry… Di na mauulit." sinabi ko na lang ng nakatungo.
"Pumasok ka na kakain na tayo." sabi nya at pumasok na sya sa loob.
Whaaaatttt???!!! Hindi pa sila kumakain? Wag mong sabihin author na inintay nila ako? Nakaka-guilty tuloy. U.U
Pero, bakit naman ako iintayin, eh hindi ko naman dala ang kaldero di ba?!!!
"Pumasok ka na! Ano pa bang tinutunga-tunganga mo dyan?!!" si Cem. Menopause na siguro yun.
"Ah, OPO andyan na!!!" sabi ko na in-empasize ko yung salitang OPO, daig pa nya si ate kung manermon. Aish…
*End of JOEY’s POV…
CEM’s POV
(5PM… Uwian**)
Nandito kami ni Dem, sa may malapit sa gate ng school at iniintay namin si Joey. Sabi kasi ni kuya WHO intayin na namin si Joey pauwi.
Buti nalang hindi kami masyadong pinag-kakaguluhan kasi may baon kaming cap at shades ni Dem.
30 minutes na ang nakalipas, pero hindi pa rin namin sya nakikita.
"Asan na ba yun? Aish…" nasabi ko na lang.
"Tawagan mo na kaya?" si Dem.
"Wala akong number nya. Atsaka ikaw nalang ang tumawag." sabi ko nalang.
"Naiwan ko cellphone ko sa bahay, wala na kasing load." sabi nya.
"Itapon mo na cellphone mo." sabi ko.
"Ang sama mo naman." sabi nya.
"Nag-cellphone ka pa wala namang kwenta. Aish!" sabi ko.
"Kaya nga iniwan ko na eh. Mabuti tawagan mo na lang si kuya WHO at itanong yung number ni Joey." sabi nya.
Kaya tinawagan ko na nga si kuya WHO para kunin ko yung number. Nang makuha ko yung number ay agad kong tinawagan si Joey.
Riiiing!!! Riiinggg!!!!
Hindi nya sinasagot. Naka tatlong missed calls na ko.
"Mabuti pa umuwi na tayo. Baka naman naka-uwi na yun hindi lang natin napansin." sabi ni Dem.
Sumakay na kami ng sasakyan. May driver kami kasi hindi pumayag si manager(A/N: Ate nila yun) na kami ang mag-drive.
"Manong, sa bahay na po tayo." sabi ni Dem.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?