25TH UD - ???

3.6K 46 6
                                    

Kinabukasan…

 

MANAGER’s POV

 

Tsk! Naiinis na ko dito kay Francis. Lage na lang bumubuntot saken.

Nanggaling ako sa CR at nakita ko sya nakasandal habang nakapamulsa sa tapat talaga ng Girl’s CR. Manyak talaga.

Papunta ako ngayon sa office ni Mr. Chua para kunin ang ilang documents.

Kailangan kasi yun para sa requirements sa pagko-concert ng QUATTRO30AM band sa France.

Tsk. Sumunod sunod pa din sya.

Pumasok ako sa office ni Mr. Chua, buti na lang hindi na sya sumunod.

Kinuha ko na ang mga documents.

Papunta naman ako ngayon sa isa pang department para kunin yung mga schedule ng band para sa guesting nila.

At eto ng makuha ko. Pupunta na ko sa office ko para maayos ko na to. Dapat kasi ipapakuha ko na lang to sa secretary ko  kaso absent. Wala naman akong mautusan.

At eto parin tong Francis na to, buntot ng buntot saken.

Tsk. Simula ng mapasok ako dito sa network na to…

Wala natong ginawa kundi asarin at buntutan ako.

Pumasok ako sa office ko, at sumunod si Francis.

Pag-upo ko sa desk ko… Nakatayo lang sya sa harapan ko at naka-crossed arms.

Hindi ko na lang sya pinansin. Todo buklat lang ako sa mga documents at parang wala lang sya sa harapan ko.

Napansin kong lumapit sya sa may desk ko… may dalawang upuan kasi dun sa harap. Umupo sya dun at nakapang-halumbaba lang sya habang nakatingin saken.

Err… naiilang ako. Habang tinitingnan ko ang mga documents hindi ako makapag-concentrate sa mga binabasa ko, at sya naman patuloy paring nakatingin saken.

Napuno na ko at isinara ko ang documents. Tumingin ako sa kanya…

Francis??!!!! Hindi mo ba alam na nakakasira ka ng concentration ha!!! Can you please get out of here?!!! –sabi ko sa kanya ng pasigaw.

At sya naman parang asong ulol na pangiti-ngiti pa.

What are you smiling at?!!! –tanong ko sa kanya na feeling ko nagsasalubong na yung kilay ko.

Tumayo sya sa harapan ko at ngumiti ng pagkalapad lapad.

Ang cute mo talaga Alyssa KO. –sabi nya sabay pinch ng pisngi ko.

Tinampal ko yung kamay nya. At ang kapal ng mukha nya at tinawag pa ko ng Alyssa KO.

Don’t ever call me Alyssa! –sabi ko sa kanya. I hate that name. Ayoko na tintawag nya ko ng ganun. He reminds me of someone.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon