ATE MYRELLE’s POV
Nandito ako sa may tabi ng kama ni William, bakit ba hindi parin sya gumigising. Kasalanan ko to ehh kung hindi sana ako nagparinig na gusto ko ng buko ng niyog hindi sana sya aakyat dun.
Hindi sana sya mahuhulog, hindi ko kayang mawala sya, pinapatawad ko na sya sa lahat ng kasalanan nya basta gumising lang sya.
Hinawakan ko ang kamay nya habang nakatingin sa kanya, still naka pikit parin ang mata nya.
Ate? Magpahinga na po muna kayo. -sabi ni Layla saken, sya yung anak ni Lucy na kasambahay namin dati, namatay sya sa panganganak kay Layla, apo sya ng mayordoma namin sa bahay.
Tiningnan ko si Layla at nginitian ng matipid, paano ako magpapahinga kung mismo ang doctor na ang nagsabi na hindi nya alam kung kelan gigising si William?
No, dito lang muna ako. Ikaw na lang muna. Gusto mo ba ng makakain? -tanong ko kay Layla, umiling ito at umupo dun sa may couch.
Dito na lang din po ako, sasamahan ko po kayo. Atsaka sabay na rin po tayong kumain. -sabi ni Layla nginitian ko sya at tumango sa kanya.
Biglang dumating ang doctor binitawan ko ang kamay ni William at lumapit sa doctor.
Doc? Ano pong lagay nya? -tanong ko na may pag aalala sa mata.
Maayos na naman sya, pero sa ngayon nga di pa rin natin alam kung kelan sya gigising. At hindi pa rin namin alam kung anong magiging epekto ng pagkabakasak nya pag gising nya. -sabi ng doctor.
Anong sinasabi nyo doc?! Give me a concrete explanation!!! Hindi pwede!!! -naisigaw ko na lang, maiiyak na ko... kasalanan ko talaga to eh.
Ms. Morales... -nasabi na lang ng doctor.
Promise, papakasalan ko na sya pag gumising sya, papatawarin ko na sya. *sniff* -pagkasabi ko nun tumulo ang luha ko at napaluhod ako.
Ate? Gumalaw yung kamay ni kuya. -sabi ni Layla, dali dali akong tumingin kay William at nakita kong unti unti syang nag mulat ng mata.
Dali dali namang lumapit ang doctor para obserbahan si William. Napatingin ako sa kanya at nginitian nya ko.
Wi..William? -nasabi ko na lang na may ngiti ang mga labi.
Si..Sino ka? -sabi ni William saken, sa sinabi nyang yun parang nadurog ang puso ko.
***End of Myrelle’s POV...
DEM’s POV
Nandito na kami sa may table tennis court kalaban nila Jem si Jenny at ang sports chairman nila. Table tennis double kasi ang laban.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?