JOEY’s POV
Riiiiiinnngggg!!!!!
Wooh! Buti na lang! save by the bell! Umupo na ko sa upuan ko.
Nakakahiya talaga. Sa dinami-dami naman ng mahihila sya pa.
Nag titilian ang mga kaklase ko. Hindi ko na lang sila pinansin. Dumating na yung teacher namin sa Math.
Napansin nya si Cem, at kung ano-ano lang yung sinabi ng teacher.
Nasan na ba si best? Maya-maya nga dumating na si best, umupo sya sa tabi ko.
"Bhest? Bakit mo naman hinila si Cem kanina? Akala ko ba si D…." hindi na nakapagsalita pa si best kasi tinakpan ko yung bibig nya.
Kahit na bulungan lang yung usapan namin, mahirap na, baka may makarinig.
"Eh… hindi ko naman alam na si Cem pala yun eh. Dapat kasi ikaw yung hihilain ko. Kala mo ba ginusto ko yun?" paliwanag ko kay best, na pabulong din. Baka kasi marinig kami ng teacher.
Maya-maya pa dumating na si Dem. Late na sya.
"Ma’am, sorry for being late. Kaylangan ko pa po kasing ipasa itong requirements namin sa office " sabi ni Dem.
"Ok, Mr. Morales(tumingin kay Dem) and Mr. Morales(tumingin kay Cem) umupo na kayo sa tabi ni Ms. Morales(tumuro saken). –sabi nung teacher.
Eish, bakit pa kasi saking tabi my vacant seat. Iniiwasan ko nga eh. Namaaan!!! >__<
Humarap na lang ako kay best. Naramdaman ko na may umupo na sa tabi ko.
At walang iba kundi si Cem. Pinagdarasal ko pa naman na sana si Dem na lang dun.
Nag-aasar ba to? Kanina lang ang sama ng tingin, tapos nag-smirk? Nakawala yata to sa mental eh. Tss…
"Wow!!! Ang swerte naman ni Joey!"
"Oo nga!!! Kainggit!!"
Tsss…. Maswerte ba yun? Pwes para saken hindi. Hindi ba nauubusan ng boses tong mga to. Kung sana si Dem na lang yung katabi ko, baka sumaya pa ko.
Kaso hindi eh yun pang iniiwasan ko. Kakahiya kaya.
Maya-maya umupo na si Dem sa kabilang side, katabi ni Cem.
Bale ito yung sitting arrangement namin.
Best – ako – Cem – Dem
Huhu… ang layo ni Dem. Kainis talaga tong si Cem. Eish.
"Ui, Joey!" sabi ni dem.
Tinawag nya ko. Gusto ko sana syang salubungin na isang magandang ngiti at pangungumusta, ang kaso… si Cem kasi nakatingin.
"H….Hi!" nalang ang naisagot ko. Kung makatingin kasi si Cem kala mo mangangain.
Tapos humarap na ko kay Best. Ayoko na Makita si Cem, naalala ko lang yung kahihiyan ko. Tss…
"Ok, Mr. Morales you now introduce yourselves." sabi nung teacher kay cem at kay dem.
"Ok, let me first." sabi ni Dem. Narinig ko na naman yung tilian ng kaklase ko.
"Best, ang ingay. Kasarap putulan ng dila ng mga to. Kawawa naman ang precious ears ko." bulong ko kay best.
"Hayaan mo na. Ang gwapo kaya nila." bulong naman ni best.
"Si Dem lang ang gwapo, pero si Cem hindi. Menopause na yun eh." bulong ko pa na mas hininaan ko, pero rinig pa rin ni best.
"Class, keep quiet!!!" saway naman ni ma’am, Hay salamat naman at medyo tumahimik na.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?