64TH UD - Confession!!! O_O

2.8K 46 11
                                    

ANGELA’s POV

 

Nandito pa rin ako sa clinic, letcheng heels yun natapilok pa ko, arrrgghhh... ayoko man pero si Jem ang pumalit saken, aiiishhh...

Hindi ako matatahimik hanggat hindi pumupunta dito si Cem, naiinis ako sa sarili ko, kung sana kasi nag flat shoes na lang ako eh di sana ako yung kasama ni Cem kanina.

Ako yung ka-partner nya, aaarrggghh... ako dapat yung kasali sa sinasabi ng mga estudyanteng secret challenge daw.

Nyemas, ano ba yung secret challenge na yun? Tatayo na sana ako sa may kama pero...

Ah, Miss Smith, di pa po kayo pwedeng lumabas, baka mapano po kayo. -sabi nung nurse, aissshh... ayoko man pero humiga na rin ako.

May laban kasi mamaya ang basketball girls kailangan kong magpa hinga para mamaya, kasali kasi ako sa first five, at ayokong malamangan ni Jem.

Nakahiga ako sa kama ng biglang may pumasok sa clinic, napa bangon ako at na-curious kung sino yun.

Maayos na ba ang lagay mo? -tanong ni Cem, nakangiti nyang sabi saken, medyo nabuhayan naman ako ng loob.

Medyo ayos na ko, atsaka sasali ako sa basketball mamaya. -sabi ko sa kanya.

Sure ka ba? Mabuti pa wag ka na lang sumali, makakasama sa paa mo. -sabi ni Cem, alam kong nag aalala sya pero gusto kong maglaro.

Yes I’m sure, don’t worry about me.. atsaka ikaw yung nagturo saken mag basketball. Kaya ko to!!! -sabi ko at nginitian ko sya.

Ah, ikaw ang bahala, basta pag sumakit yung paa mo, mag pa-sub ka na. -sabi ni Cem, tumango ako sa kanya at ngumiti ulit.

Anong nangyare dun sa fashion show? -tanong ko kay Cem.

Ah... yun ba? (>.>) Ayos lang naman. -sabi nya na biglang nag iwas ng tingin, feeling ko tuloy may nangyare.

Ah.. g..ganun ba? Eh yung sa secret challenge daw, ano daw yun? -tanong ko.

Ah, a..ayos n..naman, tayo ang nanalo. Ahm... ibibili na muna kita ng lunch anong gusto mo? -tanong nya saken, ewan ko ba pero parang nararamdaman kong ayaw nyang pag usapan yung sa challenge na yun.

Ah... hehe... kaw nang bahala, you know my favorites. -sabi ko sa kanya, nginitian naman nya ako ulit.

Oh, sige... intayin mo na lang ako dito, bibili lang ako ng pagkain natin. -sabi nya pagkatapos ki-niss nya ko sa cheeks at umalis na.

Pagka alis nya pumunta saken yung nurse at tiningnan tingnan yun paa ko.

Boyfriend nyo po yun? -tanong nung nurse.

Ah, oo. -proud kong sabi, mabuti pa sa una palang na alam na nila na taken na si Cem para wala ng umepal pa sa love story namin.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon