79TH UD - Angelica's POV

2.5K 39 6
                                    

ANGELA’s POV

 

Maaga akong pumunta kila Cem kasi alam kong may practice sila ngayon gaya nga ng sabi ni Jem saken nung nakaraan.

Nakasabay ko na rin yung ate nila Cem tapos yung actor na si Francis, I think meron silang relationship.

Ahm... pwede ko bang puntahan na si Cem sa kwarto nya, ako na gigising. -sabi ko dun kay Ate AC.

Ah, ok go ahead. Dun lang ang kwarto nya. -sabi ni ate AC, kilala na kasi nya ko, buti na lang hindi sya galit saken dahil sa pag iwan ko noon kay Cem.

Nakita kong bumaba na si Dem, pero mukhang wala sya sa mood kaya dire diretso na lang ako.

Nang nasa taas na ko, narinig kong binati ni Cem si Jem, parang kumulo naman ang dugo ko nun, parang naiinis ako, pero I calm myself.

Morning! -bati ni Cem kay Jem. I’ve make a move...

GOOD MORNING CEM!!! -isang masigla kong bati kay Cem at kumapit sa braso nya. :( Hindi man lang sya sumagot.

Good Morning, Jem. -binati ko naman si Jem, nginitian nya ko... those smiles I hate... because Cem loves those.

Jem? Di ba sabi mo tuturuan mo kong magluto? -tanong ko kay Jem, still nakayakap pa rin ako sa braso ni Cem, naiinis naman ako kasi parang ang lamig nya saken.

Ah... oo, pagkatapos ng practice. -sagot naman ni Jem. Naglakad na kami papuntang dining area nila.

Nang makarating na kami sa dining area nadatnan na namin si Ate AC kasama yung Francis.

Good Morning. -sabay pang bati ni Ate AC at kuya Francis.

Good Morning po. -bati naman ni Jem, sinadya ko talagang hindi magkatabi si Cem at Jem, magseselos lang ako lalo.

Nagdasal muna kami bago kumain, pagkatapos tahimik lang sila... ng biglang nag salita si Ate AC.

Bago ko nga pala makalimutan... nagpakasal na si William at Myrelle. -sabi nya, napatingin ako... hindi ba yun yung sinasabi ni Katelyn na fiancé nya at yung sister ni Joey... dapat malaman nya to.

Kelan pa?! -sabay sabay naming tanong...

Kahapon lang, they’re having their honeymoon in some part of Luzon, di nila sinabi kung san mismo. -sabi ni ate AC.

What?! I mean... Wow! -nasabi ko na lang, ahrg... I don’t watch my mouth... baka mahalata nila ako.

What’s the problem? -tanong naman ni Ate AC, sa tono nya mukhang may na sense na sya, wag naman sana.

Ah... I mean... bakit parang ang bilis naman yata? -sabi ko na lang, tumingin sila saken, excluding Cem, wala syang pakialam. Nagbago na talaga sya. ):

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon