Kinabukasan...
JOEY/JEM’s POV
Nandito na kami sa school, di namin kasabay si Cem pagpasok dala nya kasi yung kotse nya, kasama si Angela, eh di sila ng sweet.
Suot na rin namin yung jersey namin, nagtataka ba kayo kung bakit di na kami pinagsukat para sa jersey? Eh kasi kinuha na lang nila yung size nung P.E uniform namin.
Pang number 12 nga ko sa girls eh. Si Cem number 11 at 13 naman yung kay Dem, kabibigay nga lang samin kahapon nito, buti na lang talaga may dryer sa bahay, at nalabhan pa to, kasi amoy bagong tahi pa sya nung binigay.
Number 21 si Angela, si best naman 22 pang last kasi sya sa babae. About sa schedule namin ngayong umaga, may parade daw muna, sa unahan yung muse at escort namin.
Dahil nga sinabi kong si Angela na lang ang muse eh di sya yung nasa una, tapos si Cem escort nya. (_.__”) Eh di sila na.
Pinapila kami sa buong gymnasium, by year level, section, High school. Ang college division kasi next week pa ang intramurals.
1 line ang girls at 1 line ang boys ang pila namin, bale by partner, dahil nga 12 ako, nakatapat ko si Dem kasi nasa una na sila Cem.
Si JV naman at si Best yung partner sila kasi yung last, alphabetical kasi yung position namin. Pareho kasi silang “V” yung letter ng surname.
Si Angela naman ang ganda nya, nakataas yung jersey nya kita yung pusod tapos naka make-up at curl yung dulo ng buhok.
Halos lahat ng classmates namin humanga sa kanya.
Ang ganda nga nung kulay ng jersey namin, color red. Sa mga lalake, yung pang basketball talaga na design at short, sa girls naman, with sleeve tapos yung short shorts.
Nahihiya nga ako eh, dati naman kasi jogging pants yung partner ng jersey... ewan ko ba kung bakit pinalitan. (_.__”)
Nagsimula na yung parade at naglalakad na kami, ang rami ngang tao na nanonood eh, malayo pa yung lalakarin namin, iikutin kasi namin yung buong street na kinatitirikan nung school namin.
Hindi kaya sumakit yung paa ni Angela? 4 inch kasi yung takong nung mukhang converse na sapatos nya eh... high cut.
Makalipas ang ilang oras, medyo nangangalahati na rin ang nalalakad namin, tuwang tuwa naman yung mga nanonood kasi colorful yung kulay namin.
Sa lahat kasi ng section A color green yung sa kanila, sa B color red naman, sa C color blue, sa D color yellow at sa E naman color violet.
5 sections lang naman kami per year. (_.__”) Nauuhaw na ko, medyo natigil kasi yung lakad namin, may tumigil yata sa una, nakita kong parang hindi na yata makalakad si Angela.
Tapos nakita kong piniggy back ride sya ni Cem, haiszzt... sila ng sweet. Napatingin ako kay Dem.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?