♪Iniwan kang nag-iisa at nagdurusa
Ako sana'y patawarin na♪
JOEY’s POV
Nang matapos kumanta ni Stefen, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Dapat ba akong maging masaya?
Kasi alam kong ako ang pinatatamaan nya sa kanta nyang yon? Hindi naman sa assuming ako pero nakatingin sya saken. Kaya nag-iwas na lang ako ng tingin.
O dapat ba akong magalit kasi ang tagal nya ko pinag intay na kung kelan ako nakakabangon saka sya babalik para itumba ulit ako sa kalungkutang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa sya, sa hapdi at sakit na pinaranas nya saken. Gusto ng puso na patawarin sya dahil alam ko may konting pagmamamahal pa rin akong nararamdaman sa kanya.
Pero sabi ng utak ko na wag na TAMA NA. Tama ng minsan nasaktan ako. Oo, tama kakalimutan ko na sya. Kahit ang sakit sakit ng ginawa nya saken…
Ok, next performer Cem and Dem of QUATTRO30AM Band. –sabi ng chairman ng MC.
DEM’s POV
"What???!!!! Bakit hindi mo man lang ipinaalam saken?!!!" si Cem, sabi ko na nga ba magagalit yun eh. Isali ko ba naman sya sa MC ng hindi nya nalalaman.
"Tol, tulog ka kaya hindi na lang kita ginising." paliwanag ko naman.
"Ano pa bang magagawa ko, nakasali na ako!!! TAYO!!!" si Cem. Buti naman at pumayag.
Papunta na kami sa Music Room…
"Tol, CR lang ako mauna ka na." si Cem.
Kaya nauna ana ako… Pagdating ko na kita ko si Joey nasa sulok. Bakit naman kaya?
Nilapitan ko sya. Hindi ata nya namalayan na may katabi na sya, nakayuko lang kasi sya na nakaupo.
"Huk* Huk* Huk*" si Joey.
Umiiyak sya. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko nasasaktan ako pag umiiyak sya.
Hindi ko maipaliwanag. Siguro dahil naging kaibigan ko na sya kaya ganun.
"Joey?(umupo ako sa tabi nya) umiiyak ka ba." sabi ko. Wala akong narinig na sagot nya.
Sa tingin ko kaylangan nya muna mapag-isa. Kumuha ako ng panyo sa bulsa ko at ibinigay nya ko yun sa kanya.
"Kung gusto mong mapag-isa muna, aalis na muna ko." umalis ako pero nakita ko na nakatungo pa rin sya.
Nakarating ako sa upuan ko. Maya-maya dumating na din si Cem. Umupo sya sa tabi ko.
Paminsan-minsan sinusulyapan ko si Joey kung ok na sya. Sa palagay ko ok na naman sya kasi nakaupo na sya ng ayos at hindi na nakayuko. Medyo halata parin yung mata nya na umiyak sya.
Nakita kong dumating yung friend nya. Nakita kong kinakausap sya ni Joey. Maya-maya lang napatingin sa unahan yung friend ni Joey, at sama ng tingin nya dun sa lalake.
Hindi ko alam pero may hinala ako na yung lalakeng yun ang may kasalanan kung bakit umiiyak ngayon si Joey.
May pumunta na sa unahan at may sinabi… Mag perform daw yung hindi nakapag perform nung last meeting. Yun lang ang naintindihan ko sa sinabi nya.
"Tol, anong kanta ba? Mag-perform daw eh?" tanong ko kay Cem.
"Kaw na mag-isip Ok lang saken tol." sagot naman ni Cem.
"Sige, “I Hope” na lang ng FT-island, ayos lang ba?" tanong ko sa kanya.
Maya-maya nakita ko yung lalakeng tinitingnan ng masama nung friend ni Joey.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?