JOEY/JEM’s POV
Paggising ko, wala na ako sa sasakyan, nasa kwarto na ako… teka sinong nagdala saken dito? Nakita ko si Cem na natutulog sa may couch ng kwarto ko.
Hindi kaya? (“>.<) (>.<”) Hindi pwede yun, meron bang ganun na nasa couch si Cem, nakita ko syang bumangon at mumukat mukat na lumapit saken.
You’re awake. –sabi nya pagkatapos nginitian ako ng pagkalapad lapad, eh si ako ayun napangiti na naman at napatango.
Do your thing, pagkatapos mag breakfast na tayo, at mamasyal na din. –sabi nya, nginitian ko sya at tumango sa kanya. Lumapit sya saken at hinalikan ang noo ko.
Hihintayin kita sa baba. –pagkasabi nya noon ay umalis na sya.
Pagkaalis nya agad akong nagmadali maligo, magbihis at mag toothbrush. Tiningnan ko kung anong damit ang pwede kong isuot.
Waaah!!! Ano bang isusuot ko? Eto bang pink or itong purple? Itong red na lang kaya? Aissh… alin ba ang maganda? ( ‘3’)
Tok! Tok! Tok! Narinig kong may kumatok.
Sino yan??? –tanong ko. Nakatapis palang kaya ako, kaya di ko mabuksan yung pinto.
It’s me, Dem. Kanina ka pa hinihintay ni Cem. –sabi ni Dem.
A…ah… pababa na rin ako. Wait lang. –sigaw ko sa may pinto.
Ah ok. –sabi nya, pagkatapos narinig ko ang mga yapak nya paalis. Tiningnan ko ulit ang mga damit ko, aissh… ito na nga lang blue. Tapos ito.
Makalipas ang ilang minute, ayos na rin ako. Tapos ko nang tuyuin ang buhok ko, at naglagay ako ng konting lip balm sa labi ko. Syempre apple flavor. ^___^V
And then ayun bumaba na ako, dumiretso ako sa kainan na kinainan namin kahapon ni Cem.
Bonjour. [Good Morning] –napa-bow na lang ako sa sinabi nung nakasalubong ko.
Nakita ko si Cem na nakaupo, he’s so handsome in his attire. Lalong tumingkad ang kanyang kagwapuhan sa paglingon nya. >///<
Joey. ^___^ -sabi nya na may malapad na ngiti sa kanyang mga labi, lumapit ako sa kanya. Tumayo sya at pinaghila ako ng upuan.
Thank you. –sabi ko at umupo na.
What do you want? –tanong nya saken.
Kaw na ang bahala. –sagot ko sa kanya, tumango sya at ngumiti ulit saken, tinawag nya yung waiter at katulad kahapon parang ganun din yung sinabi nya.
Natapos kaming kumain at hinila naman nya ako palabas ng hotel, pumara kami ng taxi… pagkatapos hindi pa rin nya binibitiwan yung mga kamay ko.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?