58TH UD - Handkerchief^^

2.8K 43 11
                                    

JEM’s POV

 

*sniff* *sniff* Nandito pa rin ako sa puno umiiyak, ang sakit kasing isipin na ganun yung iniisip ni Ma’am saken.

Bakit ganun sila? Hindi naman nila ko kilala pero ang galing nilang manghusga? Nasasaktan din naman ako, kung nandito sana sila Mommy at daddy...

Kung sana hindi nila kami iniwan ng maaga, may mapapagsabihan sana ako ng problema ko, si best alam ko pwede ko syang pagsabihan ng sama ng loob...

Pero may buhay din syang kanya, hindi sa lahat ng oras nandyan sya, si Ate alam ko may problema din sya... at hindi rin habang buhay kasama ko sya...

*sniff* *sniff* May naramadaman akong umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya...

Iniabot nya saken yung panyo nya, napatingin ako doon...

Don’t worry malinis yan di ko pa naman yan nagagamit. -sabi nya, still hindi ko pa rin kinukuha yung panyo nakatingin lang ako don.

Lumapit sya saken at pinunasan ang mga luha ko. Nakatingin parin ako sa kanya, nginitian nya ko.

Pa..paanong?... napunta sayo yang panyo na yan? -tanong ko sa kanya... Tumingin ako sa kanya nabigla sya sa tanong ko.

Anong ibig mong sabihin? -tanong nya pa.

Yang panyong yan... binigay ko yan sa lalakeng... -hindi ko na natapos ang sasabihin ko at bigla nya kong niyakap.

Dug. Tug. Dug. Tug. Eto na naman ang bilis na naman ng tibok ng puso ko, nakasubsob ang mukha ko sa chest nya. >////<

Tumingala ko sa kanya... bakit ka ba ganyan saken? Bakit mo ko hinahayaang mahulog sayo, alam ko naman hindi mo ko sasaluhin?

 Haha!! Ang panget mo pag umiiyak. -sabi pa nya at pinunasan gamit ang thumb nya yung luha ko.

C...cem? -nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanya.

Hmmm... -rinig kong tugon nya.

Yung panyo? -sabi ko sa kanya, habang hawak hawak nya parin yung panyo, di ko kasi kinuha. Hinigpitan nya yung yakap saken.

Hinding hindi ko makakalimutan ang isang babaeng nagpakita ng liwanag para bumangon ulit ako. -sabi nya, Dug. Tug. Dug. Tug.


*chuckle* Naalala ko pa nung kinuwento mo saken yung sa dahong tuyo at sariwa. Haha! Sa totoo lang natawa ko dun. -sabi pa nya, nakayakap pa rin sya saken... kaya napayakap na rin ako sa kanya.

(A/N: Nasa 16TH UD po ito... yung past ni Cem... ^^)

Sabi mo pa.. “Minsan sa buhay ng tao, hindi maiiwasan na may dumating na mga problema… minsan hindi na natin nakakayanan, iniisip natin na ang malas malas naman natin. Pero sa tingin lang natin yon.” -sabi pa nya, naalala nya pa yun?

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon