13TH UD - Math REVIEW?!

4K 63 18
                                    

JOEY’s POV

Pumunta ako sa kwarto ko para kunin ang mga gagamitin sa pagre-review namin ni Cem. 8:45 palang naman.

Pagdating ko sa living room nandon na sya.

"Ok, let’s START!!!"sabi ko.

Nakaupo kami sa sahig, dun sa may center table nakalagay ang mga gamit namin.

"Alin ba sa mga lessons natin ang hindi mo naiintindihan?" tanong ko sa kanya.

Bigla syang napakamot ng ulo.

"Ah… eh…" sabi nya, na ngayon naman ay nakahawak sa batok nya.

"Ano? Nang maituro ko sayo lahat." sabi ko pa.

Binigay nya saken ang notebook nya. Pagbuklat ko, wow ang ganda ng sulat nya. Daig pa yung sulat ko. Cursive pa ang sulat pero naiintindihan pa rin. Daig pa ang babae kung sumulat.

"Wag kang mamangha sa sulat ko." sabi nya. Aba’t pupuriin ko na sana. Aish wag na nga lang nagmahangin na kasi.

"Eh, alin ba kasi dito ang hindi mo maintindihan?" tanong ko sa kanya habang binubuklat yung notebook nya. Kapareho lang naman nung inaral namin nung nakaraan yung notes nya. Kaya hindi sya mahihirapan. Well explain naman sa notebook nya yung solutions.

"Lahat." sabi nya ng nakatingin saken.

"Ha?!!" tanong ko. At nagulat kasi naman baka niloloko lang ako nito.

"Lahat nga. I’m not lying." sabi pa nya.

"Waah!!!! Lahat ba talaga. As in...?" pagsisigurado ko.

"Oo nga, kaya umpisahan mo na ang pagtuturo." utos nya saken.

"Ok, simulan natin sa basic. Sa Math expo, quiz bee consists of 3 rounds. Easy round, medium round and difficult round." paliwanag ko.

"Oh, eh ano naman ngayon?" sabi nya, aba kainis tong lalakeng to. Aish. PATIENCE Joey. Nag-uumpisa palang tayo.

"Isa lang ang pwedeng sumali satin sa easy round at medium round. Sa difficult round tayong dalawa ang kasali. Naiintindihan mo ba?" ako.

"Oo." sagot nya.

"So? San mo gusto sa easy o medium?" tanong ko.

"Natural!!! Sa easy ako." sagot nya.

"Ok, in easy round. Pwede masali ang kahit simpleng tanong. For example… hmmmh… What is the product of 6/4 times 7/3?" tanong ko.

"Huh?!! Anong klaseng tanong yun? Ang hirap naman." pagrereklamo nya.

Napahampas ako sa noo ko. Patay kami ang simple nung tanong ko eh, di pa nya masagot.

"Madali lang yun. Kuha ka ng scratch papaliwanag ko sa yo." sabi ko sa kanya.

Kumuha naman sya ng scratch. Isinulat ko yung given sa papel nya.

 6/4 x 7/3 = ? 

Pinakita ko sa kanya yung papel.

"Tapos?" tanong nya pa.

"Aish… Masisiraan ako sayo ng bait." sabi ko pa.

"Eh, hindi ko talaga alam eh." katwiran nya pa.

"Ok, ganito lang gagawin mo. Alam mo naman siguro kung alin ang numerator at denominator di ba?" tanong ko. Pag ito hindi pa nya alam. Masasapak ko na talaga to.

"Syempre naman. Anong tingin mo saken? Tanga?!" sabi pa nya. Haiszt buti naman alam nya.

"Kapag multiplying fractions simple lang. Just multiply numerator to numerator. And denominator to denominator." paliwang ko.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon