30TH UD - MASQUERADE SISTERS???

3.5K 51 5
                                    

DEM’s POV

 

Natapos nang mag-perform sila Jem. Nakita ko silang papunta sa may locker room, para siguro magpalit na.

Napatingin ako kay JV sa unahan ko, napansin kong kanina pa sya parang may hinahanap.

Kinulbit ko sya para sana itanong kung ano o sino ang hinahanap nya.

*poke* *poke* *poke*

Pero parang hindi nya ko napansin. Bahala na nga sya.

Napansin kong sa hanay namin nila Jem ako na lang pala ang nandito, teka nasan na si Carla?

Bakit hindi ko man lang napansin. Baka siguro nag-CR lang.

Yung iba ko namang classmate na nasa likod ko bulungan ng bulungan, tapos pag lilingon ako ngingiti lang sila.

Maya-maya lumapit sila saken, akalain nyo ba namang punas punasan ang noo ko, eh hindi naman ako pinapawis.

Ayos lang naman saken, naiisip ko na lang kapag yung kambal ko ang ginanito ng mga yun, panigurado mag wawala yun. Maarte kasi yun. Ahahah.

May pumunta na sa stage na Em-cee… Umayos ako ng upo at tiningnan kung anong gagawin nila.

Let’s proceed to the awarding. Tawagin muna natin ang mga nanalo sa quiz bee sa Freshmen! Handa na ba kayo?!!! –tanong naman nung nasa unahan.

Puro sigawan at hiyawan ang maririnig mo sa mga estudyante.

WOOOOHHH!!!!

 

Ok, unahin muna natin ang 2nd place, then 1st place atsaka ang champion. OK BA YUN SA INYO?!!! Mga taga-A.U?!!! –sabi ng masiglang Em-cee sa unahan.

At sinimulan na nga nya ang pagbabanggit ng mga section na nanalo. Natapos na hanggang junior’s student.

Hindi ko napansin na nandito na pala si Cem, pero teka nasan si Jem? Bakit hindi nya kasama? Tanungin ko kaya to?

Ui, Cem? Si Jem nakita mo? –tanong ko sa kapatid ko na nakatingin sa unahan, at mukhang naiinis sa ingay sa paligid.

Tiningnan nya ako, at nag kibit balikat lang saken. Kahit kelan talaga ang tipid nitong sumagot.

Naturingan pa namang singer, buti pa ko… happy go lucky. Pero good boy naman ako. ^_~

Ok, before nating ituloy ang awarding ng mga nanalo sa senior’s students, may magpe-perform… it’s their 3rd time being perform here at A.U. So? Kilala nyo naman sila siguro? Their identity is hidden but we know they’re good right?!!! –sabi naman ng Em-cee. Sino naman kaya yung tinutukoy nun?

3rd time palang daw nagpe-perform? Siguro si JV o artista yon?

Tumingin ako kay Cem, nagkibit balikat lang saken, at saka pati na rin kay JV pero umiling naman saken.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon