JOEY/JEM’s POV
9PM na pero gising parin ako, pumunta ako sa may veranda ng bahay para sana magpahangin, nang makita ko si Cem na nag gi-gitara.
Bakit hindi ka pa natutulog? -tanong ko sa kanya.
Ah, ikaw pala. -sabi nya pagkatapos tumingin saken.
Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya sa may upuan, tumingin ako sa langit, ang daming stars. Ng biglang may dumaang shooting star agad naman akong pumikit at nag wish.
Anong hiniling mo? -tanong ni Cem saken, tumingin ako sa kanya at nginitian sya.
Secret... I’ll tell you later... ^__^ -sabi ko sa kanya pagkatapos ngumiti.
Ah, ok bahala ka. -sabi nya, pagkatapos tumingala at tumingin na rin sa mga langit.
Kumusta na kayo ni Angela? -tanong ko kay Cem pagkatapos niyakap ko ang tuhod kong nakatingin sa malayo.
Ah, ewan... -naramdaman kong lumapit sya sa likod ng tenga ko at bumulong...
I’m planning to break up with her... -sabi nya in a husky voice, napalunok naman ako... anong ibig nyang sabihin?
Ba...bakit? -natanong ko na lang at the same time napalunok ulit ako.
Nakatali na sya sa iba... isa pa, I don’t love her anymore. -sabi nya at umayos na ng upo, sa sinabi nyang yun napatingin ako sa kanya.
Anong ibig mong sabihin? -tanong ko sa kanya, tumingin sya saken pagkatapos ngumiti.
Ibig sabihin lang nun, hindi na kami pwede... engaged na sya. -sabi nya at biglang hinawakan ang pisngi ko at inilapit sa kanya.
H..hindi ko talaga maintindihan. -nasabi ko na lang habang unti unti nyang nilalapit yung mukha ko sa kanya.
CEM?!! -napatingin ako sa likod kung sinong nagsalita... si Dem. Tumayo si Cem at kinuha ang ang gitara sa tabi, kelan pa yun nalagay dun?
Lumapit si Cem kay Dem at ti-nap sa balikat si Dem... mukhang may binulong si Cem pero hindi ko naman narinig para namang ikinagulat yun ni Dem dahil nanlaki ang mata nya.
Nang makaalis si Cem lumapit ako kay Dem na nakakatulala pa rin.
Dem? -nasabi ko na lang, nginitian nya ako at ngumiti ng pilit.
Ah, Jem... mauna na ko, matulog ka na. -sabi nya at ti-nap yung ulo ko, ano ba yung pinag usapan nila... ano ba yung binulong ni Cem kay Dem?
Dumiretso na ko sa kwarto ko... medyo naguguluhan pa rin ako, kaso... ah ewan. (_.__”)
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?