JOEY’s POV
Pumasok ako ng kwarto para mag-ayos…
Maka-ilang minute pa eto ayos na ko. Nakita ko ang plastic na pinaglalagyan ng mga pasalubong ko.
Dadalhin ko na rin para maibigay kina kuya WHO yung pasalubong ko sa kanila.
Napansin ko na hindi pa nakukuha ni Cem yung binili ko para sa kanya.
Iniwan ko yung para kay best at Nathan na pasalubong.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Cem na kalalabas lang din sa kwarto nya.
Cem?!!! –tawag ko sa kanya, pero tumingin lang sya ng konti at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.
Hinabol ko sya, para sana ibigay yung pasalubong ko sa kanya.
Cem??!!! Oh, eto nakalimutan mo. –inabot ko sa kanya yung keychain pero tiningnan lang nya yun.
Parang wala syang balak kuhanin.
Oh?!!! Hindi mo ba kukuhanin? –tanong ko sa kanya.
Wala man lang akong boses na narinig mula sa kanya.
Inilagay ko sa kanyang kamay ang keychain at umalis na ko.
Bago ako umalis…
Tsk… wag mo iwawala yan. –sabi ko sa kanya habang nakatalikod at nagdire-diretso na sa baba.
Pagdating ko sa baba nakita ko si Dem naka-upo sa may sala, nagru-rubik.
Napansin nya ako at nginitian. Ti-nap nya ang sofa sa tabi nya na ibig sabihin ay umupo ako don.
Tumango na lang ako sa kanya bilang pag-sang-ayon.
Nang magkatabi na kami, patuloy pa rin sya sa pagbuo ng rubik pero hindi nya mabuo.
Haha! –sabi ko ng tumatawa sa kanya.
Hindi kasi ganyan. Akin na. –sabi ko sa kanya. At inabot naman nya saken ang rubik.
Paano ba kasi? –tanong nya na napakamot ang ulo.
Ganito.. –sabi ko sa kanya habang pinapakita kung saan ang ikot ng mga kulay.
Wow!!! –sabi nalang nya.
Oh? Ikaw naman. –sabi ko sa kanya at inabot ang buo ng rubik cube.
Bilib na talaga ako sa yo Joey. –sabi nya ng nakangiti ang gwapo. Bakit kaya hindi naging ganito yung kambal nito? Lage kasing nakasimangot.
Maya-maya dumating si Cem…
Wala pa ba kayong balak tumayo dyan?!!! Aalis na tayo! –sabi ni Cem at naglakad na palabas ng pinto.
Bakit ba ang sungit non? –tanong ko na lang kay Dem.
Napa-kibit balikat na lang si Dem. Tumayo kami at dumiretso na sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?