80TH UD - Chicka Bee's

2.5K 44 23
                                    

Kinabukasan...

 

JOEY/JEM’s POV

 

Nandito na kami sa backstage... nire retouch na lang ako. Grabe... kinakabahan ako. Promise, as in... sabi kasi nila Manager name-mersonal daw yung mga taga “Chicka Bee’s”.

Waaah!!! Para akong lalamunin ng buhay nito. Jusko! (>3<) Nakaharap ako ngayon sa salamin... habang nakatungo... nang biglang my nag tap ng balikat ko, napatingin naman ako... si Dem pala.

Oh, Dem ikaw pala. -nasabi ko na lang, nginitian nya ko pero tipid, umupo sya sa kalapit na upuan.

May problema ba? -tanong ko sa kanya, nagpakawala sya ng isang malalim na buntong hininga... mukhang may problema nga.

Jem? -tawag nya saken... wala naman kasing ibang tao dito sa kinatatayuan namin kasi kaaalis lang nung make up artist.

Hmmmmh? -tanong ko sa kanya, tumingin sya saken, yung matiim... parang may ibig sabihin yung mga tinging yun.

Ah... ano... -sabi nya at nagkamot ng batok, tiningnan ko sya... para bang meron syang gustong sabihin na hindi nya masabi sabi saken.

Ano nga? -tanong ko sa kanya, still parang nag aalangan pa rin nyang sabihin.

Jem! Dem! Ready na, magsisimula na yung show!!! -sigaw samen nung isang staff, tumango na lang kami.

Ok, punta na lang kayo dun sa may front stage pag tinawag kayo. Asan si Cem? -tanong naman nung staff.

Padating na din yun. Hayun. -sabi naman ni Dem tinuturo ang papalapit na si Cem.

Ok, be ready! -sabi nung staff, waaah!!! Kinakabahan talaga ako, feeling ko nga nangangatog na yung tuhod ko.

Goooodd Moooorniingg!!! Mga ka-Chicka’s!!! -isang masiglang bati mula sa Emcee galing sa may front stage.

Wooohhh!!! -mga sigawan na maririnig mo mula sa audience, (>3<) Nahihiya talaga ako, nakita kong lumapit na samen si Cem, naka white long sleeves sya tapos black na pants, si Dem naman ganun din Dem kaso medyo brown yung pants nya.

I’m wearing a white shirt inside tapos may parang blazer na brown na mahaba and then black shorts. >////<

We have our special guests for today! Right Melissa? -tanong nung isang Emcee sa kasamahan nya.

You’re right! Partner! So? Here they are... LET’s WELCOME!!!... -sabi nung Melissa daw. Wooow! Kaya ko to, kaya ko to. Sabi naman nila best manonood daw sila eh.

The QUATTRO30AM Band!!! -sabi nung isa pang Emcee, di ko kasi alam ang name... di naman kasi ako nanonood madalas ng TV eh.

TWINS INLOVE??? [FIN.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon