CEM’s POV
Nakita ko si Joey, tumatakbo galing sa CR, kaya sinundan ko sya, napunta na lang ako sa may likod ng school. May puno kasi doon hindi ko alam ang tawag.
Nandito ako nagtatago sa may likod ng bush. Maya maya may naramdaman akong sumusundot sa likod ko. Hindi ko muna pinansin. Nakita ko si Joey umupo doon sa may puno.
*poke* *poke* Tsk. Sino ba tong sumusundot saken. Nakatingin lang ako kay Joey, ng may napansin akong lalake. At sino naman kaya yun? *poke* *poke* Naiinis na ko kakasundot nito. Sino ba yun?
Lumingon ako at nakita ko yung kakambal ko. Bakit naman to nandito?
Anong ginagawa mo dito? –pabulong kong sabi sa kanya. Baka kasi marinig kami nila Joey, mahirap na.
Sinundan kita. Bakit ba? Sino bang ipinunta mo dito? –tanong pa nya. Na medyo napalakas ang boses.
Ssssh!!!! Wag ka ngang maingay. Si Joey, tingnan mo? Kilala mo ba yun? –tanong ko sa kanya at tinuro yung lalake. Di ko kasi mamukhaan, far-sighted kasi ako.
Sh*t! –narinig kong sabi ng kakambal ko. Minsan lang to magmura. Sino ba kasi yun?
Sino? –pabulong kong tanong sa kanya, habang nakatingin pa rin ako kila Joey. Hindi ko Makita yung mukha nila, pero kitang kita ko ang gingawa nila.
Si Stefen… -sabi ng kakambal ko, habang nakatingin din sa kinaroroonan nila Joey. F*ck!!! Bakit kasama nya yung Stefen na yun?!!! Sh*t!!! Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ng kakambal ko.
Inayos ko na lang ang pagkakatago ko sa likod ng bush. Tsk. Ano bang ginagawa nila at dito pa talaga sila sa likod ng school?
Nag-uusap lang sila ni Joey, maya maya napasuntok na lang si Stefen sa lupa. Tsk. Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi ko kasi masyadong marinig.
Sh*t!!!! Ano ba talagang pinag-uusapan nila? Yung kambal ko naman nakatingin lang din. Maya-maya… Niyakap ni Joey si Stefen. Lalabas na talaga ako sa pinagtataguan namin. Pero pinigilan na naman ako ng kambal ko.
Alam kong naiinis na din yun, pero kaya pa nyang kumalma. Mahina ang pasensya ko, babangasan ko talaga yang si Stefen eh. Sh*t!!!! Lagot talaga yang si Stefen saken.
Ang tagal na nilang magkayakap ah?!!!! Sh*t!!!! Sila ba? Maya-maya parang hinalikan ni Stefen si Joey. Susugod na talaga ako. Tsansing na yun eh. Pero pinigilan ako ni Dem.
Sh*t!!! Hindi ko na talaga kaya. Aalis na ko. At walang sabi sabi, pabalik na ko ng room. Naramdaman kong sumusunod na si Dem saken. Masama din ang mood nya.
Pagdating namin sa tapat ng room… ibinalibag ko yung pinto. Sa tingin ko naman wala pang tao. Maglalabas muna ako ng sama ng loob.
BLAAAGGGSS!!!! (A/N: Bagsak ng pinto)
Napansin ko sila Carla, pero hindi ko na lang kinausap. Alam kong kasunod ko ang kakambal ko. Pero di ko na lang pinansin. Badtrip ako.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?