JOEY's POV
"Ah, Joey, Hindi mo pa alam ang ka-partner mo di ba? Sumunod ka saken." sabi nung isang member.
Sumunod naman ako.
"Ah, Joey wait ka lang dyan tawagin ko lang." sabi nya.
Sumunod naman ako sa sinabi nya. Maya-maya nga dumating yung member at kasama si Stefen.
Feeling ko anumang oras lalaglag ang luha ko. Bakit ang sakit pa din?
Pero naisip ko bakit nga ba ako magpapa-apekto. Nakalipas na yon.
Past is past. Dapat kalimutan ko na sya. Nagawa ko na yun dati. Magagawa ko ulit yon.
"Ah, Joey maiwan ko na kayo ni Stefen, mag-kakilala na naman kayo diba? Mag-usap na din kayo about sa ipe-perform nyo sa Math Expo. At bago ko makalimutan, dadaan ulit kayong lahat sa audition para sa mga magpe-perform sa mismong day ng event. Masyado daw kasi kayong madami. At isa pa, yung mapipili daw ay may extra points sa Math. Ok maiwan ko na kayo." sabi nung isang member.
Tumango na lang ako tanda ng pag sang-ayon ko. Naiwan kami ni Stefen.
"Joey, ah..." si Stefen. (Napahawak sya sa batok nya.)
"Ah, dun na lang tayo sa may table mag-usap ng ipe-perform natin." sabi ko in a low-cold tone.
"Ah, ok." sabi ni stefen.
Nag-lakad kami ni Stefen papuntang table, nang makasalubong namin si Dem at Cem.
"Oy, Joey. Ang galing mong kumanta. Sino kapartner mo?" si Dem na nakangiti saken.
Si Stefen naman na nakatingin ng masama kay Dem o baka naman mali lang ang tingin ko.
"Ako, ang ka-partner nya." si Stefen at bigla akong inakbayan.
"Ah, ganun ba. Sige alis na kami." sabi ni Dem.
"Joey, before I forgot yung about sa Math." si Cem naman ang nagsalita. Kala ko napipi na eh.
"Ah, ok. Mamaya sa bahay." sagot ko naman.
Nang makaalis ang kambal tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni stefen saken.
"Anong sa bahay ang sinabi mo kay Cem???" si Stefen na takang-taka. Wala akong balak na sabihin sa kanya kung anong meron samen ng QUATTRO30AM band.
"Ano bang problema mo? Bakit ka ba nang-aakbay?!" sabi ko sa kanya. Ng naiinis. Iniba ko nalang ang usapan para di na nya ulit i-open ang topic about dun sa bahay-thingy ng kambal.
"Ayoko lang kasing may ibang lalake na kumakausap sayo." sabi ni stefen.
"My God!!! Stefen? I’m not your girlfriend anymore, kaya wala kang karapatan para pagsabihan ako." ako,na medyo napalakas ang boses.
Kaya nagtinginan ang mga tao sa loob ng MC.
Aalis na sana ako, pero hinawakan ni Stefen yung braso ko.
"Ok, I’m sorry kasalanan ko. Pero wag ka munang umalis, pano naman yung ipe-perform natin?" sabi ni Stefen with a pleasing tone.
Pero wala ako sa mood. Kahit mahal ko parin sya hindi tama yung ginawa nya.
Masyado syang protective hindi naman kami. Saka isa pa sya yung nanloko at hindi ako.
"About dun sa perform-thingy let’s perform Out of My League, You'll sing! I’ll take the piano. Bye." ako at nagdire-diretso na ko palabas ng MC.
Kumuha ako ng slip sa Guidance office para sabihing masama ang pakiramdam ko. Didiretso nalang ako sa bahay.
Sumakay ako ng jeep papunta sa apartment na tinutuluyan ko. Pero may nakita akong note sa may front door.
BINABASA MO ANG
TWINS INLOVE??? [FIN.]
Teen FictionWhat if makasali ka sa super famous boy band kasama lang naman ang dalawang super hot at gwapo na kambal. First, they don't like you, kasi nga girl ka. Is there a possibility kaya na ma-INLOVE sila sayo? Eh panu yun? Sino pipiliin mo?