DAHYUN'S POV :Nang makarating ako sa destination ko , Agad na kong bumaba ng bus at napanganga na lang ako sa paligid . Wow ! Ang daming buildings at ang daming mga sasakyan . Ibang-iba sa probinsya na puro puno lang at katahimikan .
Masasabi kong simula na nga talaga ng adventure ko dito . Teka ! Kailangan kong i-enjoy 'to . Ngayon lang ako makakaluwas mula sa probinsya . Kakayanin ko 'to !
Binitbit ko na ang maleta at inisuot na anh backpack ko . Wait ! Kailangang may remembrance ako dahil first time ko dito 😍 Agad ko nang kinuha ang phone ko at nagselfie muna .
Ipapakita ko 'to kila Chaeyoung at sa magulang ko sa oras na makauwi na ko 😍😘💞 Selfie dito , Selfie doon . Yieh ! Nakakatuwa naman dito . Mukhang ang saya-saya dahil ang lahat ng tao dito ay maiingay at nakakarinig ako ng mga tugtugan .
Napangiti na lang ako habang naglilibot sa paligid nang biglang lumapit sakin ang isang babae na naka-pormal na kasuotan .
"Excuse me , Ikaw ba si Kim Dahyun ?" Tanong niya sakin .
"O---Opo" Sagot ko.
"Ako si Park Jihyo , Secretary ng chairman of Japan Group of Companies" Sagot niya sakin sabay shake hands .
"Ako po si Dahyun" Sagot ko.
"Nandito ako para sunduin ka . Gusto kang makausap ng chairman bago ka magsimulang magtrabaho" Sagot niya sakin kaya tumango na lang ako .
Sumakay na ko sa kotse na nakahanda . Ang sosyal naman 😍😘💞 Para lang akong turista eh . Inilagay na ng driver ng kotse ang gamit ko sa loob . Umandar na ang kotse at bumiyahe na kami . Pinagmasdan ko ang magagandang tanawin mula sa bintana ng kotse .
Nang huminto ang kotse , Agad na rin naman akong pinagbuksan ng pinto ng driver . Lumabas na ko at si Secretary Park ang nag-guide ng daan sakin .
Ang laki naman ng building na 'to. Abala ang lahat ng employees at halatang formal silang lahat .
Nang marating na namin ang pinakadulong floor , Agad na kong pinapasok ni Secretary Park sa loob .
"Nasa loob anh chairman" Sabi niya kaya pumasok na ko sa loob .
Dahan-dahan akong pumasok sa loob hanggang sa makita ko ang isang formal na matandang lalaki ang nakaupo sa sosyaling upuan niya .
"He--Hello po , Ako po si Kim Dahyun . Yung magtatrabaho pong maid" Sabi ko .
"Maupo ka" Sagot niya kaya naupo na ko.
Ano bang ginagawa ko dito ?
"Salamat po" Sagot ko.
"Bago ka magsimula sa trabaho mo , Gusto kitang makausap . Hindi biro ang trabahong papasukan mo . Ang trabaho mo ay pagsilbihan ang tatlong apo ko" Sagot niya.
Kayang-kaya ko namang mag-alaga ng tatlong bata 💪😎 Fighting !
"Kaya ko po 'yan" Sagot ko sabay smile pa.
"Hindi sila magkakasundo kaya gusto kong gawin mo ang lahat para magkasundo-sundo sila" Sagot niya.
Oh ? Hindi sila magkakasundo ? Madali lang pagbatiin ang mga bata ! Away bata lang naman siguro yung away nila kaya naman sobrang easy lang niyan .
"Easy lang po 'yan sakin" Sagot ko.
"Mabuti naman , Gusto ko ring sabihin mo sakin kapag may mga gulo silang ginawa . Tawagan mo lang ako sa contact na ibibigay ni Secretary Park sayo . Gusto ko ring siguraduhin mong hindi nila ginugugol ang oras nila sa pakikipagdate" Sagot niya sakin .
Teka , Mga bata ? Makikipagdate ? Ay ! Alam ko na ~ Baka sobrang protective lang nitong si Chairman sa mga apo niyang bata kaya ganun . Lol , HAHAHAHA ! Kaya ko 'yan .
"Gagawin ko po , Pangako !" Sagot ko nang matapang .
"Mabuti naman , Gusto ko yang ipinapakita mong katapangan . Si Secretary Park na ang magpapaliwanag sayo ng iba pang bagay na kailangan mo . Maaari ka nang umalis" Sagot niya.
"Salamat po" Sagot ko sabay labas na.
"Let's go , Miss Dahyun . Dadalhin ko na kayo sa mansion" Sambit ni Secretary Park kaya naman sumunod na ko sa kanya .
Sumakay na ko sa kotse at umalis na kami . Nang dumating kami sa mansion , Napanganga agad ako . OMG ! Ang laki naman ng mansion na 'to at mukhang sosyalin talaga .
"Halika na po , Miss Dahyun" Sabi ni Secretary Park sakin . Yung driver na yung naghila at nagbitbit ng gamit ko .
Mas namangha pa ko nang makapasok na ko sa loob . Omg ! Pangmayaman talaga 😍😘💞
"Miss Dahyun , Dito ka titira simula ngayon" Sabi ni Secretary Park sakin.
"Omg ! Talaga ?!" Tanong ko.
"Yes , Ihinatid na ng driver yung gamit niyo sa labas ng kwarto niyo" Sagot niya sakin.
"Nasaan yung mga aalagaan ko ?" Tanong ko.
"Maaaring umalis muna sila ng mansion or nagpapahinga pa sila sa kwarto nila . Alam naman nila na darating ka" Sagot niya.
"Wait , Bakit po walang ibang tao dito or tagasilbi ?" Tanong ko.
"Dahil walang tumatagal sa kanila" Sagot niya.
Napaisip ako . Ganun na ba kadelikado ang tatlong bata ? Tsk ! Nevermind na lang.
"Ganun po ba ?" Tanong ko.
"Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Chairman of Japan Group Of Companies" Sagot niya sakin .
"Opo ! Sisiguraduhin ko pong babantayan ko sila at tuturuanh magkasundo-sundo . Fighting ! Magtiwala po kayo sakin , Ako na pong bahala sa kanila" Sagot ko.
"Sige , Aalis na ko . Tawagan mo lang ako kapag may kailangan o tanong ka. Maaari mo ring tawagan ang chairman kapag hindi siya busy" Sagot niya sabay bigay ng calling card sakin .
Umalis na siya kaya lumakad na ko sa loob . Wew ! Kaya ko 'to ! Nasaan kaya yung tatlong bata ?!
😍To be Continued😍
Ano kayang magiging reaksyon ni Dahyun kapag nalaman niyang hindi mga bata ang aalagaan niya ? Abangan !
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...