DAHYUN'S POV :
Sa pagdating namin sa hospital , Naabutan namin si Chairman na nakaupo na sa waiting area .
"Where's Dahyun ? Grandpa !" Agad na tanong ni Momo kay Chairman.
"Nasa emergency room na siya" Malungkot na sagot ni Chairman .
"Grandpa ! Kung pinayagan mo na sana si Mina , Hindi na sana umabot sa ganito ang lahat !" Seryosong sabi naman ni Sana kay Chairman .
"Ak--Akala ko hindi niya magagawa 'yun sa sarili niya . Akala ko hindi niya itutuloy" Sagot nito sa mga apo niya .
"Akala mo ?! DamnIt ! Grandpa , Hindi mo pa kami gaanong nakakilala kahit na mga apo mo kami . Seryosong tao si Mina . Hindi siya yung tipong basta-basta na lang sumusuko" Sagot ni Momo .
"Nagkamali ako sa mga desisyon na ginawa ko . Gusto ko lang namang makasiguradong walang mananamantala ng estado natin sa buhay . Gusto ko lang namang ilayo kayo sa gulo at ilayo kayo sa babaeng maaaring maging dahilan ng muling pag-aaway niyo" Sagot ni Chairman.
"Gusto mo lang na ilayo kami kay Dahyun para hindi na kami mag-away pa ? What the heck are you saying ?! Si Dahyun 'yung gumawa ng paraan para magkaayos kaming magpipinsan tapos sasabihin niyong siya yung magiging dahilan ng muling pag-aaway namin ?!" Seryosong sabi ni Sana .
"Oo . Aminado kong madami akong pagkakamali . Madami akong nagawang kasalanan . Pero sana maintindihan niyong ginawa ko lang 'yun para protektahan kayo" Sagot ni Chairman.
"Protektahan kami o para protektahan ang kompanya mo ? Grandpa , Sa tingin mo ba talaga gusto naming pag-agawan yung kompanya ? Nagkakamali ka kung 'yan ang iniisip mo . Ni isa samin , Walang gustong pumili ng kompanya mo kaysa sa kasiyahan" Sagot ni Sana.
Natahimik na lang si Chairman sa mga sinabi nila Sana at Momo sa kanya .
"Chairman , Pupunta lang po ako sa labas . Tawagin niyo na lang po ko kapag may kailangan kayo sakin" Sambit ni Secretary Park sabay labas na .
"Fvck it ! Ano ba namang buhay 'to ?! Oo , Mayaman tayo pero hindi naman natin dapat husgahan ang ibang tao base lang sa eatado nila sa buhay . Look at her ! Grandpa , Hindi masamang tao si Dahyun. Kung naabutan niyo man kaming nag-aaway , Hindi siya ang may kasalanan kundi kami . Oo , Kami . Wag niyo siyang sisihin . Siya yung nagpapasaya kay Mina . Siya lang , Wala nang iba . Pipigilan niyo pa bang sumaya yung apo niyo ?! Kung talagang walang pakialam si Dahyun kay Mina , Anong ginagawa ni Dahyun ngayon dito sa hospital ? Hinihintay niyang maging maayos ang kalagayan ni Mina dahil mahal niya 'yung pinsan ko . Kahit hindi niya sabihin , Alam kong 'yun ang totoo . Yun ang dahilan kung bakit hindi niya ko magawang mahalin !" Seryosong sabi ni Sana kay Chairman sabay turo sakin .
"Sana , Tama na 'yan . Hintayin na lang natin na maging stable na ang condition ni Mina" Awat ni Momo kay Sana .
"Fine ! Gusto ko lang namang ipa-realize kay Grandpa yung mga bagay-bagay na hindi niya dapat ginagawa" Sagot ni Sana.
Bigla namang lumapit si Sana sakin , Agad niyang inilagay ang penguin keychain ni Mina sa palad ko.
"Ipinabibigay ni Mina bago siya tuluyang mawalan ng malay kanina" Sambit ni Sana sakin.
Lumakad na lang palayo si Sana . Agad naman siyang sinundan ni Momo .
Napalingon na lang ako kay Chairman na malungkot . Naupo na ko sa kanyang tabi .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...