Chapter 85 - A Caring Person

532 21 5
                                    

MINA'S POV :

Nang makabalik ako sa mansion , Gising na sila Momo at Sana .

"Si Dahyun ?" Tanong ko sa kanila. Napansin ko kasing wala pa si Dahyun sa paligid ng mansion. Hindi naman siya nale-late ng gising. Saka , Nauna siyang gumising kanina ah .

"Nasa kwarto niya ata" Sagot ni Momo.

"Gising na siya kanina" Sagot ko.

"Baka natulog ulit" Sagot ni Sana sakin.

"Kumusta ang pagpunta mo sa Dad mo ?" Tanong ni Sana sakin.

"Matigas parin ang ulo niya . Hindi siya pupunta bukas" Sagot ko.

"Kung ganun , Wala na tayong magagawa" Sagot ni Sana sakin.

"Pupunta muna ko sa parents ko . Sasabihin ko sa kanila na pumunta bukas" Sambit ni Momo sabay alis na sakay ng kotse niya .

"Hindi parin siya nakaka-move on" Sambit ni Sana sakin .

"Tama ka , Hayaan na natin na mag-move on siya . Matatanggap niya rin ang katotohanan" Sagot ko.

"Ahm , Mina . Kailangan ko ring umalis eh . Pupuntahan ko rin ang parents ko para ipaalam sa kanila yung tungkol sa dinner bukas" Sagot ni Sana sakin .

"Sige , Lakad na . Baka mas lumakas pa ang ulan" Sagot ko.

Agad na ring umalis si Sana ng mansion . Naiwan akong mag-isa dito sa living room . Agad na kong pumunta sa labas ng kwarto ni Dahyun para gisingin siya kaso walang sumasagot . Nang buksan ko ang pintuan , Bukas naman at hindi naka-lock . Hindi nagla-lock ng pinto ang babaeng 'yun . Tsk !

Nang pumasok ako sa loob ng kwarto niya , Nalaman kong wala naman pala siya sa loob . Ang babaeng 'yun talaga . Saan na naman kaya siya nagpunta ?! Ang lakas-lakas ng ulan sa labas . Nagawa pa niyang umalis nang hindi nagpapaalam . Aish ! Pasaway talaga .

Naiwanan niya ang phone niya sa kama niya . So , It means na wala siyang dalang phone . Tsk ! Nakakainis na talaga siya . What if kailangan niya kong tawagan ?! Paano na ?!

Napansin ko yung teddy bear na bigay ni Momo sa kanya . Alagang-alaga niya ang teddy bear na galing kay Momo . Tsk ! Kapag ibinili ko siya ng ganyan , Mas maganda ang ibibigay ko sa kanya .

Palabas na sana ko nang kwarto niya nang mapalingon ako sa mga gamit niyang nakaaayos na sa maleta niya . Mukhang handa na siyang umalis . Malapit na siyang mawala sa tabi ko . Malalayo na si Dahyun sakin .

Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito ? Nakaramdam ako ng lungkot dahil malapit na siyang umalis . Normal lang naman 'to , Diba ? Normal lang na malungkot ako dahil kaibigan ko na siya . Kung pwede nga lang sana na dito na lang siya sa tabi ko .

Lumabas na ko ng kwarto niya at bumaba na sa ground floor at agad na sana kong lalabas para hanapin siya . Natigilan ako nang makita ko siyang naglalakad sa labas ng mansion . Pauwi na siya dito .

WHAT THE ----- BAKIT BASANG-BASA SIYA NG ULAN ?!

Nagmadali na kong humanap ng payong . Bakit ganun ?! Nasaan ang payong ?! Nasaan ?!

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon