DAHYUN'S POV :
Hindi ko maintindihan si Sana . Sino siya para husgahan ako at ang pamilya ko ?! Wala akong nilalandi at kahit kailan hindi ako manlalandi dahil hindi ako ganung klase ng tao .
Masakit ! Oo , Sobrang-sakit na masabihan ng ganun lalo pa't wala namang katotohanan . Hindi ako makapaniwalang 'yun ang tingin niya sakin . Akala ko pa naman kahit ganun siya sakin , Mabuti siyang tao . Nagkamali pala ako .
Kasing kitid ng ugali niya ang pagiisip niya . Mahal niya ko ? Kung mahal niya ko , Hindi niya ko sasabihin ng masasamang salita . Marunong akong lumugar at marunong akong sumunod sa mga rules at patakaran .
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil sa mga pinagsasabi niya eh . Sinabi niyang mahal niya ko pero hindi 'yun tama para sakin . Malaki ang utang na loob ko kay Chairman . Hinding-hindi ko susuwayin ang rules niya . Saka , Kahit kailan hindi ako nakipagmabutihan kay Momo at Mina dahil mga kaibigan ko sila .
Saka , Hindi ko siya kayang mahalin . Bakit ? Dahil may gusto akong iba . Si Somi , Siya yung gusto ko at pakiramdam ko gusto niya rin ako .
Sa sobrang-inis ko sa kanya , Iniwanan ko siya sa Garden . Hindi ko na lang pwedeng palampasin 'to dahil mali yung mga hinusga niya sakin. Naiinis ako sa kanya . Inis na inis !
Imbes na dumeretsyo sa loob ng Mansion , Naisip kong umalis na muna . Hindi na muna ko magpapalipas dito ng gabi , Kahit saan 'wag lang dito 💔😭
Lumakad na ko't umalis sa Mansion . Alam kong gabi na para magala sa kalsada . Wala akong pakialam basta ang mahalaga sakin ngayon ay magpakalayo at magisip-isip muna .
Habang naglalakad ako sa kalsada , Hindi ko naiwasang malungkot nang sobra . Bakit ganun si Sana ?! Palagi niya kong binubuwisit at pinahihirapan tapos sa isang iglap sasabihin niya saking mahal niya ko. Lokohan ?! Hindi ko maintindihan !
Sa paglalakad ko palayo sa mansion , Napadaan ako sa bahay ni Somi . Natigilan ako nang makita ko siyang nasa labas ng bahay niya kasama ang isang babae . Teka , Sino 'yung kasama niya ?
"Babe , Bye na . Nag-enjoy ako sa date natin" Sabi ng babae sabay yakap kay Somi.
"Bye Doyeon , See you tomorrow ! Ingat ka pauwi" Sagot ni Somi sabay kaway sa babaeng kasama niya .
Doyeon ? Babe ?! Ano 'to ?! Lokohan ?! Nakikipagmabutihan siya sakin tapos may iba pala siyang pinagkakaabalahan .
Natigilan lang ako habang pinagmamasdan sila . Nang makaalis na ang babae , Papasok na sana sa loob ng bahay si Somi kaya naman tinawag ko siya .
"So-Somi !" Tawag ko sa kanya kaya naman nagulat siya .
"Da--Dahyun , Kanina ka pa diyan ?" Tanong niya sabay lapit sakin.
"Bakit ?" Naluluha kong tanong.
"A--Anong Bakit ?" Tanong niya.
"Wag ka nang magmaang-maangan , Somi . Niloloko mo ba ko ?! Pinaglalaruan mo ko ?!" Tanong ko sa kanya .
"Dahyun , Wag ka namang sumigaw . Baka marinig ng mga kapit-bahay eh ! Please lang" Sagot niya sakin.
"Bakit , Somi ? Bakit ?! Akala ko ako 'yung gusto mo ?! Akala ko seryoso ka sakin ?! Sino 'yung Doyeon na 'yun ?! Sino 'yung Babe mo na 'yun ?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanficKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...