Chapter 78 - Unwanted Child

666 26 30
                                    

MINA'S POV :

Masaya ko't muling nagkasama si Dahyun at ang pamilya niya . Kitang-kita talaga sa mata niya na masayang-masaya siya . Deserve niyang maging masaya .

Kinabahan ako nung malaman ng pamilya niyang hindi naman pala tatlong bata ang inaalagaan niya . Hindi pa pala niya nasasabi sa kanila . Mabuti na lang at pumayag ang Dad niyang mag-stay siya . Akala ko talaga tuluyan nang aalis si Dahyun .

Mamimiss ko siya nang sobra eh . Oo , Naging special na kasi siya para sakin . Masasabi ko ngang siya lang yung meron ako ngayon.  Siya lang yung kaibigan na alam kong mapagkakatiwalaan ko talaga .

Hirap akong magtiwala sa iba pero nung nakilala ko si Dahyun , Nagtiwala agad ako sa kanya . Magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya . Sa kanya lang ako nagiging komportable kaya naman ayokong mawala siya sa tabi ko .

Alam kong sa oras na bumalik na siya sa probinsya , Hindi ko na siya makakasama pa . Gusto ko siyang makasama . Alam kong kailangan niyang umalis sa oras na magkaayos-ayos kaming magpipinsan . Alam kong malapit na ang panahong 'yun .

Kaya nga dapat sinusulit ko ang mga oras ko kasama siya . Hindi na dapat ako nagaaksaya ng oras .

Nahiga na lang ako sa kama . Pinagmasdan ko ang bracelet na suot ko . Nabasa ko ulit yung nakatatak na salitang "With You , I'm not afraid".

Naalala ko yung mga sinabi ni Lolang Tindera ng Bracelet na 'to . Totoo kaya yung sinasabi niyang gusto ko talaga si Dahyun ? Minsan , Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko .

Talaga bang pinipigilan ko lang 'tong feelings ko ? Simula nung ma-meet ko si Lolang Tindera ng Bracelet , Naguluhan na ko sa nararamdaman ko para kay Dahyun .

Ipinikit ko na lang ang mata ko't nahimbing na sa pagtulog . Nang magising ako kinabukasan , Agad na kong bumangon ng kama't nag-ayos ng sarili .

May gusto kong puntahan ngayon .Tulog pa silang lahat kaya naman hindi na ko nagpaalam . Agad na rin akong umalis sakay ng kotse ko .

Nagpunta ako sa bahay namin . Oo , Sa bahay kung saan nakatira ang strict kong Dad .

"Nandiyan ba si Dad ?" Tanong ko sa maid.

"Opo , Pasok po kayo" Sagot ng maid sakin kaya naman pumasok na ko sa loob.

"Why are you here ?" Tanong ni Dad sakin . Umiinom siya ng alak nang maabutan ko siya .

"Umiinom ka na naman" Sagot ko sa kanya nang paseryoso.

"Eh , Ano bang pakialam mo ?! Anak lang naman kita !" Sagot niya sakin.

"Tell me , Bakit ba ganyan ka sakin ? Anak mo nga ko pero parang alila mo ko kung tratuhin mo ko" Sagot ko sa kanya.

Lasing ang Dad ko ngayon . Hindi ko na talaga malaman kung bakit ba ganyan siya sakin .

"Gusto mo ba talagang malaman ang katotohanan ?" Tanong niya sakin sabay lagot ulit ng isa pang baso ng alak.

"Yes , I want to know the truth . Please" Sagot ko sa kanya.

"Hindi ko minahal ang mom mo" Sagot niya sakin kaya naman naguluhan ako.

"What do you mean ?"  Tanong ko sa kanya .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon