Chapter 57 - First Day of Outing🌹

669 31 0
                                    

MINA'S POV :

Kinabukasan , Maaga kaming nagsikilos dahil bibiyahe na kami papunta sa kung saang resort kami maga-outing . Inaamin ko , First time kong sasama sa outing . Kasi naman , Hindi ko ginagawa ang mga ganitong bagay noon .

Wala akong panahon para sa mga ganito noon pero ngayon , Susubukan ko na .

"Let's Go , Guys !" Malakas na sabi ni Dahyun kaya naman nagsikilos na kami .

"Sumakay na po kayo sa van at ihahatid ko na kayo sa inyong destination" Sambit ni Secretary Park .

Agad na kaming nagsisakay sa loob ng van . Katabi ko si Dahyun sa likod habang sila Sana at Momo nasa unahang upuan namin tapos taga-drive si Secretary Park .

Tahimik lang kaming lahat sa loob ng Van kaya naman naisipan kong magsuot na lang ng earphone at makinig sa music .

Hanggang sa makatulog si Momo sa pwesto niya , Si Sana naman abala sa pagtingin sa mga nadadaanan sa labas .

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagsa-soundtrip nang biglang may nalaglag sa balikat ko na kung ano .

Ano bang ------ Natigilan ako nang malaman kung ano ang bagay na 'yun . Wait nga lang ! Si Dahyun 'to eh . Nakatulog na pala si Dahyun . Naging unan pa ang balikat ko . Bigla kasing pumaling sa balikat ko ang ulo niya .

Kahit kailan talaga , Palagi na lang siyang natutulog nang basta-basta . Palagi ring may problema sa ulo niyang kung saan-saan pumapatong . Minsan pa nga , Walang pinapatungan ang ulo niya . Para siyang kung ano .

Naalala ko na naman tuloy nung nakita ko siya sa living room na natutulog na nakaupo . Nung binuhat ko siya sa kwarto niya kasi nga wala akong choice kundi buhatin siya .

Ano nang gagawin ko ngayon ? Gisingin ko kaya siya ?

"Dahyun" Mahina kong sabi sabay kalbit sa kanya kaso hindi parin siya nagising .

Ang hirap talaga niyang gisingin kahit kailan . Aish ! Ano nang gagawin ko ? Kung itulak ko kaya ang ulo niya papaling sa sandalan .

Aish ! Wag na nga lang . Hahayaan ko na lang na nakasandal siya sa balikat ko . Ayos lang naman sakin eh .

Hinayaan ko na lang na nakasandal ang ulo niya . Nagpahinga na lang ako sa tabi niya . Maya-maya pa , Biglang pumreno nang malakas 'yung Van .

Naalerto ko nang biglang gumalaw yung ulo ni Dahyun at akmang tatama sa seat na nasa harapan niya . Kaya naman , Agad ko siyang inalalayan . Nahawakan ko siya sa bewang niya para mapigilan siya .

Nabigla na lang ako nang imulat niya ang mata niya . Napatingin siya sa kamay ko na nasa bewang niya .

"ARAY KO !" Nabigla ako nang bigla niya kong sampalin sa pisnge .

"Anong ginagawa mo sakin , Mina ?!" Seryoso niyang tanong .

"Anong meron diyan ?" Tanong ni Sana sabay tingin samin .

"Pasensya na , May dumaan kasing aso . Mabuti na lang at nai-preno ko" Sabi ni Secretary Park .

"Da--Dahyun , Nagkakamali ka ng akala . Wala akong ginagawang masama" Sabi ko kay Dahyun .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon