SANA'S POV :
Ang sungit naman ni Dahyun sakin . Gusto ko lang naman talagang tulungan siya . Gusto ko talaga para makabawi ako sa kanya . Nagvolunteen na nga kong magligpit para sa kanya eh . First time ko kayang ginagawa ang mga bagay na 'to para sa kanya tapos ni hindi man lang niya naa-appreciate .
Nung dumating si Grandpa , Kinausap siya ni Dahyun . Kinabahan ako dahil baka sabihin ni Dahyun sa kanya 'yung nangyari pero wala namang sinabi sakin si Grandpa na kakaiba kaya naman naisip ko na baka hindi sinabi ni Dahyun .
Ayos lang naman sakin kung sabihin niya kay Grandpa pero kinakabahan padin ako . Dahil baka kapag nalaman ni Grandpa , Ilayo na niya ko kay Dahyun . Ayokong mangyari 'yun. Kailangan ko pang patunayan ang sarili ko sa kanya eh . Hindi pa tapos ang laban . Lalaban pa ako !
Nang matapos si Dahyun sa paglilinis , Nakita ko siyang akmang lalabas ng Mansion . Saan naman siya pupunta ? Aish ! Natutulog si Mina at Momo sa mga kwarto nila . Eotteoke ?!
"Dahyun , Saan ka pupunta ?" Tanong ko.
"Magpapadala ng pera sa pamilya ko" Sagot niya.
"Samahan na kita" Sagot ko.
"Hindi na kailangan" Sagot niya sabay lakad na paalis bago pa man ako makapagsalita .
Napailing na lang ako . Ang tigas rin pala ng ulo niya noh . Hindi ako dapat tumutunganga lang dito kaya naman agad na kong sumunod sa kanya .
Habang naglalakad siya sa daan , Pasimple kong sumusunod sa kanya . Nagdadahan-dahan ako para hindi niya ko makita .
Tsk ! Hindi ko akalain na gagawin ko 'to para sa kanya . Wala eh , Mahal ko siya . Sabi nga nila "When it comes to love , Even the smartest people become stupid" . Heto ko , Nagmumukha nang tanga pero sige parin sa pagsunod sa kanya .
Sinundan ko siya kahit saan siya magpunta. Nang sumakay siya sa Bus , Siyempre sumakay din ako . Mukha na talaga akong tanga dahil may hawak akong diyaryo pangharang sa mukha ko habang nakaupo sa bus .
Sinundan ko siya hanggang sa bumaba siya ng Bus , Nagtago ako sa mga gilid ng store na madaanan niya para naman hindi niya ko makita . I'm sure na mabi-beastmode 'to kapag nakita ko .
Pinagtitinginan na ko ng ibang tao pero tuloy lang ako sa ginagawa kong katangahan para sa kanya .
Nang makapagpadala na siya ng pera sa pamilya niya , Lumakad na siya . Teka ! Saan siya pupunta ? Agad na kong sumunod sa kanya . Natigilan na lang ako nang pumasok siya 'dun sa Restaurant kung saan sila kumain ni Somi . Ang tigas talaga ng ulo ! Dun pa talaga siya kakain mag-isa ? Baka naman may ka-meet siya ! Kailangan kong makita .
Agad na kong pumasok sa loob ng restaurant at naupo sa pwestong hindi niya makikita . Pinagmasdan ko lang siya nang palihim habang kumakain siya nang mag-isa . Grabe , Ang takaw niya din eh noh 👏😂
Habang kumakain siya , Pasimple ko siyang pini-picture-an . Nakakatuwa siyang pagmasdan. Mas sumasaya ko kapag nakikita siyang ganyan. Hindi siya nahihiyang ipakita sa ibang tao na ganun talaga siya . Ang cute niya talaga . Ginagawa niya 'yung ikinasisiya niya .
Maya-maya pa , Natigilan ako nang makitang dumating si Somi kasama ang isang babae. Ang lakas ng loob na magpakita dito ! Nakakainis siya .
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
Fiksi PenggemarKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...