CHAEYOUNG'S POV :
May aaminin ako sa inyo . Dahil hindi parin ako magawang pansinin ni Tzuyu , Napag-isipan kong subukang ibaling sa iba ang pagmamahal ko .
Baka sakaling magawa ko ring kalimutan ang feelings ko para kay Tzuyu . Baka sakaling matagpuan ko na yung taong mamahalin rin ako .
Nang umalis si Dahyun Unnie , Agad na nagtext yung ka-textmate ko . Isang week ko na ring ka-textmate 'to eh . Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang phone number ko . Masaya naman siyang kausap dahil marunong siyang magpatawa . Nagkakasundo kaming dalawa sa mga bagay-bagay . Hindi ko pa siya nami-meet sa personal . Alam kong balang araw magkikita rin kaming dalawa .
"Oh , Ka-text mo na naman yang kung sinong yan" Sabi ni Dad sakin.
"Hon , Hayaan mo na ang anak mo . Paano niyan makakalimutan si Tzuyu ?" Sabi ni Mom kay Dad.
"Oh Siya ! Siya ! Oo na" Sagot ni Dad . Lumakad na siya kasama si Mom.
Oo , Alam na nila Mom and Dad na may gusto ko kay Tzuyu . Sinabi ko na sa kanila .
Nakipagtext na muna ko sa kanya habang nasa cr pa si Tzuyu .
Siya : Kumusta ka ? Kumain ka na ba ?
Me : Heto , Masaya naman ang buhay ko kahit na madami akong inaalala at pinoproblema . Oo , Kumain na ko kanina .
Siya : Mabuti naman kung ganun . Basta , Kapag kailangan mo ko nandito lang ako ah .
Me : Weh ? Kahit naman sabihin mong nandiyan ka para sakin , Wala ka naman eh . Ni hindi pa nga tayo nagmi-meet .
Siya : Magmi-meet rin tayo sa tamang oras . By the way , Ano bang pinoproblema mo ?
Me : Problema sa Pag-ibig
Siya : Mukhang interesting 'yan ah . Ano bang problema sa pag-ibig ang pinagdadaanan mo ngayon ?
Me : Yung bestfriend ko , Matagal ko na siyang gusto pero hindi niya napapansin yung pagmamahal ko sa kanya dahil ang older sister ko ang mahal niya . Yun nga lang , Nabusted siya ng older sister ko . Ipinaramdam ko na sa kanyang hindi ko siya iiwanan kahit na anong mangyari , Yun nga lang wala parin eh . Ni hindi parin niya napapansin yung feelings ko .
Siya : Malay mo napansin na pala niya . Hindi niya lang masabi sayo .
Me : Tsk ! Imposible . Ako ? Magugustuhan nun ? Mukhang hanggang bestfriend nga lang talaga . Kaya nga , Heto ko't sinusubukang humanap ng iba baka sakaling makalimutan ko siya .
Siya : Wag kang mag-alala , Nandito naman ako para sayo . Alam mo gusto kita . Kapag kailangan ko ng kasama palagi kang nandiyan sa tabi ko .
Me : Lol ! Ikaw talaga . Hindi pa nga tayo gaanong nagkakakilala eh .
Siya : Gusto mo bang magkita na tayo ?
Me : Fine . Saan ba tayo magkikita at kailan ?
Siya : Ngayon na , Sa bahay mo.
Me : What ? Alam mo kung saan ako nakatira ?! Nasaan ka ba ngayon ?!
Siya : Nandito sa bahay mo.
BINABASA MO ANG
Kim Dahyun & The J-Trinity
FanfictionKim Dahyun & The J-Trinity "Kim Dahyun , Pwede ka nang magsimula sa bago mong trabaho . Good Luck , Sana'y makatagal ka . Binabalaan na kita dahil hindi biro ang trabahong pinasok mo . Siguraduhin mong magtitino ang tatlong magpipinsan na apo ng Cha...