Chapter 33 - Follow Her

818 33 29
                                    

DAHYUN'S POV :

Nang makapaglinis na ko sa mansion , Agad na kong nag-ayos ng sarili at nagpalit ng damit . Kailangan ko kasing pumunta sa padalahan ng pera . Magpapadala ko ng pera sa pamilya ko sa Probinsya .

Mas kailangan nila ang perang meron ako ngayon . Di bale , Magtitira na lang ako ng kaunti para sakin. 

Nang bumaba ako sa hagdan , Nilapitan ko na yung tatlong magpipinsan na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa living room .

"Guys , Kailangan ko na munang umalis . Magpapadala lang ako ng pera sa pamilya ko" Sabi ko.

"Tama 'yan , Umalis ka na muna dito" Sagot ni Momo sakin .

Siyempre ! Alam ko namang mas gusto nilang wala ako dito . Tsk ! Ang sama talaga .

"Babalik din agad ako" Sagot ko.

"Kahit wag na muna , Dahyun" Sagot ni Mina sakin . Kita niyo na , Gusto talaga nilang wala ako dito eh .

Lalakad na sana ko kaso biglang nagsalita si Shiba Inu este Sana .

"Alam mo ba kung saan ka pupunta ?" Tanong niya.

"Aalamin ko" Sagot ko.

"Samahan na kita , Boring dito eh" Sagot ni Sana sakin.

"Hindi na kailangan . Mas gusto kong mag-isa" Sagot ko.

"Ayaw mo kong kasama ? Ayaw mong makasama ang isang cute na tulad ko ?" Tanong niya .

"Ayoko" Deretsyahan kong sagot sa kanya .

"Ang sungit mo sakin . Ikaw na nga tutulungan eh" Sagot niya sakin.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo" Sagot ko.

"Oh Sige , Di wag . Maligaw ka sana" Sagot niya .

"Mas gugustuhin ko pang maligaw kaysa makasama ka . Goodbye" Sagot ko sabay lakad na .

Lumabas na ko ng mansion at nagsimula nang maglakad sa tabing kalsada . Nang mapadaan ako sa bahay ni Somi , Nakita ko siyang nakatambay lang sa may terrace ng malaki niyang bahay .

"Dahyun ! Wait" Sabi niya sabay pandalasan ng labas . Lumapit siya sakin nang nakangiti . Omg ! Heto na naman kami at magkasama .

"Oh Somi" Sabi ko sa kanya.

"Saan ka pupunta ?" Tanong niya.

"Ah , Magpapadala lang ng pera sa pamilya ko sa probinsya" Sagot ko.

"Samahan na kita" Sagot niya.

"Naku , Hindi na . Kaya ko na 'to . Salamat na lang" Sagot ko.

"Alam mo ba kung saan ka pupunta ? Saka , Gusto ko namang lumabas ng bahay . Samahan na kita" Sabi niya sakin.

"Yun nga eh , Hahanapin ko na lang kung saan ako pupunta . Sure ka ba ?" Tanong ko.

"Oo naman , Basta para sayo . Hintayin mo lang ako . Pasok ka muna sa loob , Magpapalit lang ako ng damit" Sabi ni Somi sakin .

Kim Dahyun & The J-TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon